^

PSN Showbiz

Be Careful With My Heart mahal ng TV viewers

- The Philippine Star

Manila, Philippines -  Kamakailan ay kinumpirma mismo ng ABS-CBN executives ang nakagugulat na lakas ng hatak, hindi lamang sa TV viewers, kung hindi maging sa advertisers, ng No.1 daytime TV program sa bansa na Be Careful With My Heart. 

“Richard Yap and Jodi Sta. Maria’s soap are turning out to be the biggest surprise hit,” komento Vivian Tin, head ng customer business development group ng ABS-CBN. 

Ayon naman sa chief financial officer ng Kapamilya Network na si Rolando Valdueza, dahil sa pataas nang pataas na advertising revenues dahil sa mga top-rating program tulad ng Be Careful With My Heart, posibleng malagpasan ng ABS-CBN ang target nitong net income ngayong taon. Baka lumagpas pa sa P1.3 billion.

Samantala, patuloy ang paglaki ng lamang ng Be Careful With My Heart kumpara sa katapat nitong programa sa GMA 7. Base sa pinakahuling datos ng Kantar Media noong Huwebes (Agosto 16), humataw na sa ikaapat na puwesto ng overall top programs sa bansa ang “kilig-serye” nina Jodi at Richard taglay ang 23% national TV ratings, o 16 puntos na kalamangan kumpara sa Kapuso Movie Festival ng GMA na nakakuha lamang ng 6.9%. 

Mula ng magsimulang umere ang Be Careful With My Heart noong Hulyo, iba’t ibang programa na ang itinapat dito kabilang ang Chef Boy Logro: Kusina Master, Baker King: The Big Return, at ngayon ang Kapuso Movie Festival.

Patuloy na mabighani sa “magic” ng love story nila Yaya Maya at Mr. Lim sa Be Careful With My Heart, araw-araw, 10:45 a.m., bago mag-It’s Showtime, sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN.

BAKER KING

BE CAREFUL WITH MY HEART

BIG RETURN

CHEF BOY LOGRO

KANTAR MEDIA

KAPAMILYA NETWORK

KAPUSO MOVIE FESTIVAL

KUSINA MASTER

MR. LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with