^

PSN Showbiz

Katrina bubuwelta pagkapanganak!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

Walang problema kung umabot man sa kataas-taasang hukuman ang kaso ni Katrina Halili laban kay Hayden Kho, Jr. pero ipo-pursue niya ang kanyang kaso na ibinasura ng Court of Appeals. Hindi sapat sa kanya na mabawian ng lisensiya ang doktor, mas malaking kaparusahan ang inaasahan niyang ipapataw dito.

Hinihintay na lamang ng aktres na makapanganak siya bago niya mapagbuhusan ng panahon ang kaso. Iniiwasan niya ang labis na ma-stress dahil baka makasama ito sa kalagayan niya. Pero hindi niya basta-basta isusuko ang kanyang nasimulan ng laban.

Eugene ayaw magyabang kay Nora

Tama lang na hindi makipagkumpitensiya si Eugene Domingo kay Nora Aunor sa gagawin niyang pagganap ng role sa Bona sa tanghalan. Ire-revive ang obra maestra ni Lino Brocka at si Eugene ang napiling gumanap ng role na ginampanan noon ng Superstar. Napaka-humble ni Eugene para aminin na hindi niya kaya si Nora. The least she can do for the role is give it her own interpretation.

Bravo, Eugene! Kaya ka sumisikat dahil hindi ka mayabang.

Ricky magpapahabol ng maiinit na pagkain

Si Ricky Reyes pa ba ang mapag-iiwanan pagdating sa pagtulong sa mga nangangailangan? ’Yung pagbibigay lang niya ng mapagkakakitaan sa mara­ming sinasanay niya sa mga trabaho sa isang beauty parlor ay kumakain na ng halos buong panahon niya. Kaya nga nagkakasakit na ang pare ko.

Pero parang kulang pa ito kaya ngayong umuunti na ang nagpapakain sa mga nasa evacuation center pa ay siya naman ang magdadala sa kanila ng maiinit na pagkain. Tutulungan siya ng napakaraming managers at workers sa napakaraming parlors niya.

Mabuhay ka, Mother Ricky!

COURT OF APPEALS

EUGENE DOMINGO

HAYDEN KHO

KATRINA HALILI

KAYA

LINO BROCKA

MOTHER RICKY

NIYA

NORA

NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with