^

PSN Showbiz

Boobs at ulo natakpan, flower ni Louise dinakma ng fan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Alam na ni Louise delos Reyes ang magiging ending ng karakter niyang si Elize sa One True Love pero gusto pa niyang ilihim.

Mukhang natupad ang wish ng aktres at ng ka-love team niyang si Alden Richards sa gusto nilang ending ng kanilang love story sa nabanggit na soap.

Hindi lang love team, kundi super, super close friend ang nahanap ni Louise kay Alden mula nang gawin nila ang One True Love. Kung dati, nagkakailangan pa sila, ngayon, kahit maliit na bagay tungkol sa career at buhay nila, kanilang napag-uusapan at malinaw sa kanila na friends lang sila at magka-love team.

Sa September pa magtatapos ang One True Love dahil from 15 weeks, extended uli ito ng one week, kaya aabot ng 16 weeks ang takbo nito. After this, hindi na puwedeng ma-extend ang story dahil lalaglag na ang istorya.

Samantala, naloka kami sa kuwento ni Louise ng sad experience niya sa fans o nagpapanggap na fans sa regional mall tour nila sa Cebu. Dinaklot ang lower part ng katawan niya ng isang male fan noong nagla­lakad na siya pabalik sa sasakyan.

 “Ang boobs at ulo ko ang tinakpan ko, biglang may kamay na dumaklot sa babang parte ng body ko. Napaiyak ako at sumigaw nang sumigaw pero nagawa na ng lalaki ang gusto niya at alam kong lalaki ’yun dahil medyo maitim ang kamay. Mabuti ngayon, may ipinapadala ng security ang GMA 7,” sabi ni Louise.

Sarah at Louise tuloy ang conflict

Nagsimula na ang shooting ng horror movie ng GMA Films at Reality Entertainment na Basement sa direction ni Topel Lee. Ang paghahanap ng basement na magsisilbing location ng movie ang isa sa mga rason kung bakit na-delay ang shooting ng pelikula’t nahirapan silang maghanap ng perfect location.

Sa basement ng isang mall sa Ortigas, Pasig City ang unang napiling location ng pelikula. Inayos na ang lugar pero hindi natuloy. Sa basement ng Semicon Bldg., sa may Marcos Highway ang ginagamit na location.

Magkasama sa pelikula sina Sarah Lahbati at Louise delos Reyes na nagkaroon ng conflict dati dahil kay Enzo Pineda pero para walang isyu at walang maging part two ng conflict, pinaghiwalay sila ng dressing room. Balita rin namin, iniba ang story at hindi na sina Sarah at Enzo ang partner sa movie.

Rafael hindi na paghihintayin ng GMA

Next week na pipirma ng kontrata sa GMA Network si Rafael Rosell, ayon ito sa manager niyang si Popoy Caratativo at dito niya mami-meet sina Atty. Felipe Gozon at Jimmy Duavit, ang CEO at COO ng istasyon, respectively.

Hindi maghihintay ng matagal si Rafael bago magka-project dahil hindi pa man nakakapirma, may project na siya. Guest siya sa Aso ni San Roque at sa November, regular nang mapapanood sa primetime block ng network dahil kasama siya nina Marian Rivera at Dennis Trillo sa cast ng Pinoy adaptation ng Temptation of Wife.

Maganda ang role ni Rafael sa drama show bilang si Nigel na naging BF ng karakter ni Marian. Ang hihintayin na lang ay kung may chemistry silang dalawa.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

DENNIS TRILLO

ENZO PINEDA

FELIPE GOZON

JIMMY DUAVIT

LOVE

MARCOS HIGHWAY

ONE TRUE LOVE

RAFAEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with