^

PSN Showbiz

'Di pa suko kay Hayden Kho, Jr., Katrina lalaban hanggang Supreme Court

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK:

Mas nakakakaba ang mapapanood sa gala night ng

Protégé: The Battle For the Big Artista Break

bukas dahil sa simula na ito ng tanggalan ng protégés na napasama sa bottom list nung nakaraang Linggo.

Hindi lang pala isa kundi lima ang matatanggal dahil merong kailangan magpaalam sa bawat team.

Kaya sobrang mabigat ito sa mentors dahil sa kanila pa naman nakasalalay ang pagkatanggal ng kanilang protégé.

Maglalaban muna ang bottom two ng bawat team at doon pagdedesisyunan kung sino ang maiiwan at magpapaalam.

PAK: Ayaw na ni Katrina Halili na sagutin pa ang desisyon ng Court of Appeals na ibinasura ang kasong Violation of Rep. Act 9262 kay Hayden Kho, Jr. dahil iniiwasan pa nilang makadagdag ng stress pa ito sa kanya na malapit nang manganak.

Ang sabi naman ng abogado ni Katrina na si Atty. Raymund Palad, magpa-file sila ng motion for reconsideration sa criminal aspect ng kaso at kung kinakailangang paabutin ito sa Supreme Court gagawin nila.

Hindi naman nakunan ng pahayag si Hayden dahil nasa Amerika pa raw ito kasama pala si Dr. Vicki Belo dahil sa trabaho niya sa Belo Medical Group.

BOOM: Ngayong araw ang 40th day ng kamatayan ni Dolphy at merong inihandang misa sa Heritage Memorial Park ang buong pamilya at malalapit na kaibigan ng Comedy King.

Si Zsa Zsa Padilla naman ay nasa Amerika pa pero sasama naman siya sa mga anak doon ni Dolphy na magpapamisa rin para sa kanilang ama.

Pero merong pinaghahandaan na ma­laking Dolphy special na pagsasamahan ng tatlong TV network na ABS-CBN 2, GMA 7, at TV5 bilang pagpupugay sa Comedy King.

Malaking TV special ito na kung saan magsasanib ang tatlong higanteng TV network.

AMERIKA

BATTLE FOR THE BIG ARTISTA BREAK

BELO MEDICAL GROUP

COMEDY KING

COURT OF APPEALS

DOLPHY

HAYDEN KHO

HERITAGE MEMORIAL PARK

KATRINA HALILI

RAYMUND PALAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with