^

PSN Showbiz

Feeling senator's wife na, Heart nagbababad sa burol ng tatay ni Sen. Chiz

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

Uy feeling senator’s wife na raw si Heart Evangelista. Yes, ka-chummy chummy na raw nito ang mga pulitikong nakikiramay sa ama ng senador na nali-link sa kanya na si Sen. Chiz Escudero. As in nagbababad ang Kapuso actress sa lamay ng namayapang si Cong. Salvador Escudero III na namatay last August 13 at kasalukuyang nakaburol sa Mt. Carmel Church in New Manila, Quezon City.

At madaling araw na raw kung umuwi si Heart bilang nakikitulong nga ito sa pag-e-entertain ni Chiz ng mga nakikiramay sa kanilang pamilya.

Bukod kay Heart, bumisita rin ang ex-wife ng senador na si Christine. At nang dumalaw daw ito ay present si Heart.

Bukod kina Heart at Christine, naispatan din ng kaibigan kong malapit sa senador ang isa pang nabalitang naging girlfriend ni Sen. Chiz, si Ms. Berna Romulo-Puyat, ang biyuda ni Atty. Dave Puyat.

So tatlo raw silang nagkasabay-sabay sa wake ng tatay ni Chiz.

So ano ito – Past, present, future…

Ang hinahanap lang ng mga dumadalaw sa wake ng dating Agriculture Minister and recently Sorsogon representative ay si Kris Aquino na hindi man nali-link kay Kris ay magkasama naman sila sa Kris TV with Chiz.

‘Yun pala sa necrological services na isinagawa sa House of Representatives kahapon nagpunta si Kris.

Meeting pa lang ang inaamin nina Heart at Sen. Chiz kahit madalas silang makitang magkasama ni Heart.

Georgina, Isabelle, at Solenn mas gumanda nang magpa-Belo

Sa gaganda nina Geor­gina ‘George’ Wilson, Isabelle ‘Belle’ Daza, and Solenn Heussaff masasabing masuwerte sila dahil likas ang ganda pagkapangak pa lang nila. Pero na-realize agad ng tatlo na habang bata ay kailangan na nilang alagaan ang kanilang mukha at katawan para hindi agad magka-edad ang hitsura bilang parati silang under scrutiny ng publiko, madalas naka-make up, exposed sa bright lights hanggang madaling araw.

Kaya naman para mapanatili ang fresh at well rested ang kanilang mga hitsura, nagpatulong sila sa Belo Medical Group.

At kasama sa kanilang facial procedues ay : Glycopeel Cleaning + Power Peel, Obagi Oxygen Facial, at Hydra facial.

Ang Glycopeel Cleaning ay iba’t ibang concentrations ng fruit acid na inilalagay sa skin para matanggal ang pimples, blackheads, and whiteheads at binubuhay ang mga dead skin. Mabilis at makikita agad ang resulta nito.

Ang Obagi Oxygen Facial ay treatment na malakas ang anti-oxidants, Vitamin A, Vitamin C and Zinc that fight free radicals.

Kombinasyon ito ng anti-inflammatory and healing properties of pure oxygen na tumutulong para i- reverse ang skin damage dahil sa bad habits at iba pa dala ng kalikasan.

Hydra Facial Treatment ay nagpapabata naman. Binubuhay nito ang mga dead skin cells dahil nililinis nito ang balat at nagbibigay antioxidant protection.

Nag-a-undergo rin ang It Girls sa Belo Signature Sea Salt Scrubs and Wet and Dry Dermabrasion.

At para hindi na galawin ang kanilang mga katawan pagkakatapos ng pictorial, nagse-Sexy Solutions, ang sister company ng Belo Medical Group which specializes in all non-surgical modalities para matanggal ng fat. 

Pinaka-popular dito ang Lipo-Cavitation na tinatanggal ang taba sa pamamagitan ng ultrasound; and Multi- Firm, treatment na nag-aayos ng mga lumalaylay na balat sa pamamagitan ng RF energy.

Meron din silang Tite FX na nagtutunaw naman ng taba habang binabanat ang mga skin na effective sa tiyan at taba sa likod.

Meron din silang Ion Magnum from London kung saan iisipin mong nage-exercise ka na habang ginagawa ang proseso at ang epekto parang isang oras kang-nag-gym. So ang resulta raw : mapi-firm ang beywang at abdomen ninyo.

Meron din sila para sa maiitim na kili-kili at ang mga tumutubong buhok kung saan may tatlong klase ng machines sila.

So hindi nga nakapagtataka na natural na nga silang maganda tapos nagpa-Belo sila Georgina, Isabelle, at Solenn, sobrang gaganda nga nila.

vuukle comment

AGRICULTURE MINISTER

ANG GLYCOPEEL CLEANING

ANG OBAGI OXYGEN FACIAL

BELO

BELO MEDICAL GROUP

BUKOD

CHIZ

MERON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with