Rayver out muna sa eksena, Cristine ipapasa kay Gerald
Mukhang matagal pa ang ipaghihintay ng fans nina Gerald Anderson at Kim Chiu na mapanood ang dalawa sa soap ng ABS-CBN dahil ang balita namin, hindi si Kim kundi si Cristine Reyes ang napipisil ng network na itambal kay Gerald sa bagong soap ng network.
On the other hand, ikatutuwa ng Kimerald fans na hindi kay Sarah Geronimo ipapareha si Gerald dahil alam n’yo namang ayaw na ayaw nila ang tambalang ito.
Siguro naman, hindi magagalit ang Kimerald kay Cristine dahil alam nilang GF ito ni Rayver Cruz na kaibigan ni Gerald. Si Kim naman, next soap ay makakatambal si Xian Lim sa kabila ng pagkontra ng kanilang fans.
Elmo babalik sa school para matutong magluto
Opening ngayon ng Just One Summer in more than 100 theaters nationwide at tama si Direk Mac Alejandre na puno ng kilig ang pelikula, pero may drama rin. ’Katuwa ang reaction ng fans doon sa six to seven seconds kissing scene nina Julie Ann San Jose at Elmo Magalona.
Nakakatuwa si Elmo dahil hindi pa nakuntentong i-congratulate personally si Julie Ann, pati sa Twitter, he congratulated his love team at very proud ito sa ipinakita ng kapareha. Kaya okay lang siguro sa kanya kung mas una ang name ni Julie Ann sa billing nila kesa name niya.
Ang Bakit Ba Ganyan ang theme song ng movie at ginamit din ang Girl Be Mine na duet nina Elmo at Julie Ann pero original na kinanta ni Francis Magalona.
Samantala, sa pakikipagkuwentuhan kay Elmo, nabanggit nitong back to school siya next sem sa College of St. Benilde at mag-i-enroll ng hotel and restaurant management dahil gustong matutong magluto. Nang itanong namin kung bakit hindi culinary studies ang kunin, gusto niya ang HRM for future business. Excited ito dahil first time niyang magka-college at pareho na silang nag-aaral ni Julie Ann.
APO extra lang sa I Do
Seventeen songs ng APO Hiking Society ang ginamit sa pelikulang I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila at ito’y ang Pumapatak na Naman ang Ulan, Do Bidoo Bidoo, Tuyo ng Damdamin, Syotang Pa-Class, Awit ng Barkada, Panalangin, Mahirap Magmahal, Salawikain, Ewan, Nakapagtataka, Batang-Bata, Blue Jeans, Kaibigan, Huwag Masanay sa Pagmamahal, Paano, Pag-ibig, at ‘Di Na Natuto. Instrumental naman ang Kabilugan ang Buwan.
Kailangan ninyong panoorin ang pelikula para malaman kung sino kina Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Eugene Domingo, Sam Concepcion, Tippy Dos Santos, at Zsa Zsa Padilla ang kumanta ng mga nasabing APO songs. Ang ‘Di Na Natuto ay kinanta ni Eugene at ginamit sa love scene nila ni Ogie.
May cameo role ang trio ng APO sa movie pero sabi ni Buboy Garovillo, si Danny Javier bilang pari lang ang may dialogue. Sila ni Jim Paredes ay dinaanan lang ng camera.
Gerard walang pakialam kahit mapagkamalang bakla
Aliw kausap ang child actor na si Gerard Pesigan, kasama sa cast ng Guni-Guni, sa role ng isang batang autistic na may kalarong multo. Nag-workshop siya at nanood sa YouTube ng movie ni Leonardo DiCaprio. Nakatulong din na isa sa staff ni Direk Tara Illenberger ay volunteer sa school ng autistic at nagabayan si Gerard.
Unang napansin si Gerard sa The Mommy Returns bilang gay son nina Gabby Concepcion at Pokwang. Si Roderick Paulate ang peg niya sa movie. Pero sa Guni-Guni ay wala siyang ginaya, sariling sikap lang.
Ayos lang kay Gerard kung ma-type cast siya sa gay role dahil hindi naman siya totoong bading pero favorite niyang panoorin ang old movies nina Roderick at Dolphy. Hindi rin siya na-o-offend ’pag napagkakamalang bading.
- Latest