Usapan ng GMA 7 at TV5 pinaplantsa pa rin, next year pa malalaman ang resulta
Hindi pa tapos ang negosasyon sa pagitan ng TV5 at GMA 7. Hindi lamang presyo ang kanilang pinag-uusapan dahil may iba pang mga concern ang magkabilang panig.
Malalaman natin ang kahihinatnan ng negosasyon bago matapos ang 2012. Wait natin ang official statement ng GMA 7 tungkol sa kagustuhan ni Papa Manny Pangilinan na mabili ang Kapuso Network.
Julie Ann at Elmo nami-miss magpaligo ng kalabaw
Ang pagpapaligo sa kalabaw ang isa sa mga mami-miss nina Julie Ann San Jose at Elmo Magalona nang gawin nila ang Just One Summer ng GMA Films. Na-miss din kaya ng kalabaw ang mga nagpaligo sa kanya?
Showing na ngayon sa mga sinehan ang Just One Summer at wish ng fans ng dalawang bagets na mag-goodbye Philippines si Typhoon Helen para mapanood nila ang pelikula ng kanilang mga idol.
Ginanap ang premiere night ng Just One Summer noong Lunes sa SM Megamall sa Manadaluyong City. As usual, nagtilian ang fans na kilig-kilig sa mga eksena nina Elmo at Julie Ann.
Pero isang family drama ang Just One Summer ha? May kuwento ang bawat karakter ng pelikula. Bonus na lang ang kilig moments nina Elmo at Julie Ann.
May kissing scene ang dalawang bagets sa Just One Summer pero maganda ang execution ng direktor na si Mac Alejandre.
Ang sabi ni Elmo, may magic ang halikan nila ni Julie Ann at natuwa siya nang sabihin ng kanyang leading lady na may magic ito na naramdaman. Buong ningning na sinabi ni Elmo na good kisser siya dahil na-feel ni Julie Ann ang magic na sinasabi niya.
TV show na matsutsugi na sinisikreto pa sa bida
Malapit nang mag-goodbye sa TV ang isang show pero secret pa dahil hindi pa alam ng bida na magpapaalam na sa ere ang kanyang programa.
Kakausapin pa lamang ang star ng show pero naghihintay pa ng right timing ang TV management. Pati ang production staff, hindi alam ang nalalapit na pagtatapos ng kanilang show.
Ayokong pangunahan ang management kaya ililihim ko muna ang show na malapit nang magpaalam sa ere. Hintayin natin ang announcement at confirmation ng mga kinauukulan.
Mga taga-pagasa kakapiranggot ang sahod
Maliit lamang pala ang suweldo ng mga weather forecaster ng PAGASA dahil sumasahod lamang sila ng P12,000 kada-buwan.
Ang mga weather forecaster ang madalas na sinisisi kapag hindi nagkakatotoo ang kanilang mga ulat tungkol sa panahon. Visible ngayon sa TV ang mga weather forecaster dahil sa mga habagat at bagyo na nagpapahirap sa ating bansa. Ang hindi natin alam nagdurusa rin sila tulad ng mga biktima ng baha dahil sa kanilang napakaliit na monthly salary.
- Latest