Show ni Pacman naging singing contest na!
Mukhang napaganda nga ang paglilipat ng Manny Many Prizes sa bago nitong oras. Mas dumami ang manonood. Bukod dito nagkaroon pa ng pagbabago sa palabas, nagkaroon ng isang malakihang singing contest na nagsimula lamang sa isang maliit na segment pero lumaki na at isa na ngayong malaking bahagi ng programa. Ito ang Boksing-Along na nung Linggo ay pumili na ng kanyang male champion. Ewan ko lang kung ano ang susunod na mangyayari, kung paglalabanin ba sila ng napiling female champion o pareho na silang kampeon.
Wala ang Pambansang Kamao nung first time kong mapanood ang show sa bago nitong oras. Nasa Sarangani at may inaayos pero kahit wala ito, nakakagawa pa ng desisyon para sa programa. Tulad ng pagdaragdag ng P30,000 sa P50,000 thousand na panalo ng isang contestant. Nagawa rin nitong magbigay ng pamasahe sa mga audience.
Maganda rin ‘yung ginawang paghalili sa kanya ni Ogie Alcasid and with the assistance of the boxing champ’s co-hosts – Gladys Guevara, Pekto, Bellie Florie, Paoli Contis, Onyok Velasco, atbp. and the guesting of Bianca King, ay naalagaan ng mabuti ang show, napanatiling interesting at exciting.
Magaling sa X Factor, pinatalsik!
Marami ang nalungkot nang isang magaling na finalist ng X Factor ang naging second casualty sa ginanap na pangalawang sagupaan ng 11 participants sa reality singing search ng ABS-CBN. Naging mahigpit pa ang labanan dahil sa results night nung Linggo ay muling pinaglaban ang dalawang nasa bottom line, ang grupong Cool Off ni Gary Valenciano at si Mark Mabasa ni Pilita Corrales. Si Charice ang pumigil sa sana’y panalo ng mini-mentor ni Pilita nang iboto niya ang alaga ni Gary V. Pero sa second deadlock, ginamit na ang text votes na higit na marami ang tinanggap ng grupong finalist kaya sila ang nanalo.
Totoong higit na magaling ang performance ni Mark Mabasa sa kanilang pangalawang labanan ng Take Off pero dahil nag-play safe ang apat na judges, lalo na si Charice, kung kaya namayani na naman ang mga texters na in fairness ay hindi mo masasabing nagkamali. Mahirap din naman ‘yung ginawang pagbi-blend ng mga boses ng mga nanalo at palabasin itong parang iisang boses lamang.
Let’s hope na sa susunod ay magpapamalas muli ng isang maganda at magaling na desisyon ang mga texters.
Mga Protégé ng GMA 7 pare-pareho ang sinayaw at kinanta
Medyo may kaguluhan naman, sa aking pananaw, ang naging proseso sa unang sagupaan ng 20 Protégé ng GMA7. Mahirap talagang humanap ng isa o dalawa lamang na outstanding sa isang group performance, lalo’t pare-pareho lang sila ng kinakanta at sinasayaw. Kapuri-puri nga na nagawa ng mga judges na makapili ng itinuturing nila na pinakamagaling sa limang grupong nag-perform. But still napaka-hirap na proseso ‘yung ginawa nila.
But the first battle among the Protégés ay nagbigay ng lakas hindi lamang sa mga hurado kung hindi maging sa lahat ng manood kung sino ang mas nakakaangat sa 20 kabataan, ang mas may talento at hindi mapatataob ng pressure.
Let’s hope, too, na sa mga susunod ay makapag-perform din sila individually bagaman at kakain ng mas mahabang oras kung isa-isa silang magpe-perform pero kakailanganin ito for them to be judged fairly.
- Latest