GMA Network tambayan na rin ng netizens
MANILA, Philippines - Bukod sa patuloy na pangunguna sa ratings, paborito na ring tambayan ngayon ng milyun-milyong Kapuso netizens sa loob at labas ng bansa ang GMA Network! Dahil ito sa www.GMANetwork.com – ang pinakakomprehensibo at pinaka-interactive na media portal sa Pilipinas.
Ayon kay GMA chairman at CEO Felipe L. Gozon, isang magandang complement ang media portal sa broadcast operations ng GMA.
“Since it was launched eight months ago, GMANetwork.com, the most comprehensive media portal in the country, has enabled visitors to easily access the latest in news and information, as well as updates on the company’s digital properties,” pahayag ng big boss.
Mula naman kay GMA president at COO Gilberto R. Duavit, Jr.: “Whatever the media platform—traditional, non-traditional or emerging—GMA Network makes sure that it is there to meet the evolving needs of its audience. GMANetwork.com engages our viewers around the globe with the latest news stories and web-exclusive content, while enabling them to access information about their favorite shows and Kapuso personalities.”
Dahil sa media portal, madali na ang pagiging up-to-date sa Kapuso Network. Tampok sa portal ang live social media feeds mula sa official accounts ng GMA Network shows, artists, at news personalities. Makikita rin ang kumpletong directory ng lahat ng official accounts sa Community site.
Samantala, hinihikayat naman ng GMA News and Public Affairs ang mga ordinaryong Pinoy na makilahok sa news-gathering process sa pamamagitan ng YouScoop, ang pioneering citizen journalism tool ng GMA News Online.
Ayon kay GMA News Online editor-in-chief at VP for multimedia journalism Howie Severino, layon ng kanyang grupo na mas dumami ang audience ng web at maging ng telebisyon.
“There is an inherent link between the two media,” sabi ni Severino. “Since television can only contain information that will fit into its limited airtime, our news site plays a perfectly complementary role by providing breadth and depth to the news, as well as interactive content that is one of the unique contributions of the web.”
Siyempre, hindi eksklusibo ang gamit ng YouScoop sa Pilipinas. Hinihimok ng GMA International ang mga Pilipino sa labas ng bansa na magpadala ng online overseas news items gamit ang nasabing tool. Ilang international news items na rin ang umere sa GMA channels.
- Latest