^

PSN Showbiz

Pareng Ogie at Pareng Bitoy mag-a-ala 2NE1

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang gabi ng katatawanan, kuwentuhan at kantahan ang hatid nina Pareng Bitoy at Pareng Ogie ngayong Linggo ng gabi!

Kasama ang dancing stars ng Patry Pilipinas na sina Diva, Hannah, Issa and Mayton, kakantahan at sasayawan ng magkumpareng naka-costume ang The Boys ng K-pop girlband na 2NE1.

Susundan pa nila ito ng mga pagsagot ng mga celebrities sa tweet questions ng fans. Sino ang artistang kayang mag-text habang natutulog? Pilipina nga raw ba ang susunod na batgirl? Pilipina rin daw ang susunod na gaganap kay Queen Elizabeth ng England sa pelikula? How true?

Uupo rin sa Pare & Pare hot seat ang Makapi­ling Kang Muli leading man na si Richard Gutierrez at ang mag-i-interview sa kanya ay ang dalawang leading ladies na sina Kut-Sarah Lahbati at Karma Abellana. Bakit humantong sa barilan ang usapan ng ‘love triangle’?

Ang Queen of Horror na si Lovi Poe naman ang buong tapang na magpapa-interview sa multong si Sad-Ako at ang rampadorang si Vampyra. Sagutin kaya ni Lovi ang mga katanungan tungkol sa kanyang pangalan hanggang sa kanyang lovelife?

Matapos nilang balikan ang mga nakakatawang eksena sa mga nakaraang Pare & Pare episodes, magbibigay pugay naman ang magkumpare sa mga tumulong sa mga nasalanta ng baha ngayong Linggo sa pagkanta ng ‘di inaasahangThe Lazy Song ni Bruno Mars.

Maghanda para sa isang mainit na Linggo ng gabi kasama sina Pareng Bitoy at Pareng Ogie sa Pare & Pare.

ANG QUEEN OF HORROR

BRUNO MARS

ISSA AND MAYTON

KANG MULI

KARMA ABELLANA

KUT-SARAH LAHBATI

LAZY SONG

LINGGO

LOVI POE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with