^

PSN Showbiz

Dos hindi nagka-interes habulin si Rafael

- Veronica R. Samio - The Philippine Star

Hindi basta-basta nag-alsa balutan si Rafael Rosell sa ABS-CBN. Nag-expire na ang kanyang kontrata  at pinayagan siya ng management ng Dos na umalis matapos siyang makapag-paalam ng maayos.

Dahil maganda ang record sa kanyang inalisang network, magagandang proyekto ang inihahanda para sa kanya ng mga bossing ng Siete.

Si Marian Rivera ang una niyang makakapareha sa isang malaking teleserye na gagawin niya.

Angelica natanggal ang lungkot sa bagong bahay

Isang bagong bahay ang mabilis na naka­pag-palimot kay Angelica Panganiban kay Derek Ramsay.

“Marami ang nag-advice na mag-travel ako o mag-aral kaya. Pero ang pagbili ng bagong bahay ang kumain ng oras ko kaya nawalan ako ng panahon na mag-isip at maging malungkot sa sinapit ng aking six year relationship. Mukha namang tama ang naging desisyon ko. Nawili ako at nakaiwas na maging bitter,” sabi ng aktres na in denial pa rin sa sinasabing bagong pag-ibig niya, kahit nagiging madalas na ang paglabas nila ng magkasama.

Pagmamagandang loob ni Aileen, nabahiran ng kontrobersiya

Kawawa naman si Aileen Papin. Ang ganda ng intensiyon nito na tumulong sa ilang mga kasamahan sa panulat na may karamdaman ngayon, pero sa halip yata na pasalamatan siya ng mga gusto niyang tulungan ay nalalalait pa siya.

Nang malaman niyang may ilang kaibigan kaming nangangailangan ng tulong para sa gastusin nila sa pag­papadoktor at pambili ng gamot, nag­lista ito ng limang pangalan ng mga reporter na malapit sa kanilang pa­milya na gusto niyang tulungan. Ka­sama kami sa listahan dahil dalawang buwan ‘din kaming nagkasakit ng pneu­monia. Pero dahil nga sa ka­kapusan ng panahon na mai-pro­mote ang show na baka hindi ito gaanong tauhin, ginawa niyang lima na lang muna ang tulungan. Sa susunod na yung iba.

Kasama kami ni Aileen sa pagpaplano niya. Nawala lamang kami mga ilang araw bago ang show dahil sa matindi ring kaabalahan kaya hindi ko na nalaman ang naging resulta ng fundraising. Until mabasa ko sa isang column ng isang kapatid sa panulat na nagagalit siya dahil hindi raw ipinaalam sa kanya ang nasabing event.  At nagrereklamo ito dahil wala siyang natanggap ni isa mang kusing.

May isa pa ring bibigyan sana ng tulong ang nagbantang magdedemanda dahil parang pinalabas daw na kawawa siya at walang pampagamot.

Ako naniniwala na hindi na dapat ipinaalam pa sa kanila ang event. Sapat na ‘yung pagkatapos nun ay tumanggap sila ng tulong not unless na-mention ang pangalan nila sa publicity ng show. Doon puwede silang mag-react, puwedeng sabihing ginamit sila.

I will get to the bottom of this. At ire-report ko ng buo ang naging kaganapan sa nasabing fundraising concert. Baka nga naman may dahilan ang mga beneficiaries para magalit. In fair­ness to Aileen Papin, ang intensiyon lang niya ay tumulong pero, hindi ko alam kung saan siya nagkamali, kung may pagkakamali man siya.

AILEEN

AILEEN PAPIN

ANGELICA PANGANIBAN

DAHIL

DEREK RAMSAY

LEFT

MARIAN RIVERA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with