^

PSN Showbiz

Nanay ng aktres nagpanggap na pilay para magkapag-CR lang

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - The Philippine Star

True palang may pagka-epal ang nanay ng isang actress.

Minsan sa airport, naiihi na siya. Kaso pila sa comfort room ng mga babae bilang iisa lang ang CR sa domestic airport na malapit sa waiting area before boarding.

Nagpaka-wais si mother. Pumila siya sa CR ng disabled at naglakad na kunwari’y pilay.

Buti na lang iilan lang ang nakakakilala sa mother ng young actress, or else baka nakatikim siya ng katakot-takot na panlalait at alipusta sa kanyang ginawa.

Kilalang may pagka-antipatika ang nanay na ito ng young actess na unti-unti na ring nakikilala.

Himala ipalalabas uli sa mga sinehan

Na-restore na ang pelikulang Himala ng namayapang National Artist na si Ishmael Bernal. Ipapalabas ito sa prestihiyosong 69th Venice Film Festival next month.

Makakasama ang pelikulang pinagbibidahan ni Nora Aunor sa isang programa ng fes­tival na may temang Venizia Classici kung saan ipapalabas ang iba pang restored classic films tulad ng Chimes at Midnight ni Orson Welles, Fanny and Alexander ni Ingmar Bergman, Gentlemen Prefer Blondes ni Howard Hawks at marami pang iba.

Ang restoration ay ginawa upang “mabigyan ang mga manonood ng oportunidad na maulit o mapanood sa unang pag­kakataon ang mga pe­likulang naging malaking parte ng nakaraan sa big screen kung saan mapapanood ito ng lahat sa maayos na kondisyon,” ayon sa pahayag ng programa.

Isinulat ng multi-a­war­ded screenwriter na si Ri­cky Lee, ang Himala ay unang nailabas sa Metro Film Festival noong 1982. Noong 2008, inani nito ang Viewer’s Choice Award for Best Asia-Pacific Film of All Time mula sa CNN Asia Pacific Screen Awards.

Ang restoration ng pelikulang may temang relihiyon at faith healing ay ginawang posible ng ABS-CBN Film Archives na pinangungunahan ni Leo Katigbak.

“Ito ang ika-30 taon ng Himala. Isa ito sa mga pi­na­kamagagandang Filipino classics na nais namin mapanood ng lahat kaya’t kasama sa plano namin na ipalabas ito sa mga sinehan. Na-restore na rin namin ang Maalaala Mo Kaya, The Movie na ika-20 taon na ngayon at sinimulan na rin namin i-restore ang isa pang ECP title, ang Oro Plata Mata, na inaasahan naming magiging handa na early 2013,” ani Katigbak.

Ipapalabas ang Himala sa Venice Film Fest na gaganapin sa Venice Lido mula August 29 hanggang September 8, 2012.

Balitang dadalo ang superstar sa Venice Filmfest bilang kasali rin sa Thy Womb movie niya sa competition sa nasabing filmfest.

Janine ginagawa lang suporta

Bakit kaya hindi pa gawing bida si Janine Gutier­rez? ‘Di hamak na mas maganda siya kay Julie Anne San Jose na todo ang ginagawan.g suporta ng GMA 7.

Sayang naman kung gagawin lang nilang pang-suporta ang anak nina Lotlot de Leon at Monching Gutierrez.

Tapos kinuha pa nila si Laureen Young na kahit binigyan ng sariling show na Mula Sa Puso sa ABS-CBN ay hindi gaanong sumikat.

Karelasyong tibo ng tv host, paldo-paldo

Paldo-paldo pala ang karelasyong tibo ng TV host kaya maligayang-maligaya ito.

Galing daw kasi sa mayamang pamilya ang nasabing tibo na dating nakarelasyon ng isa pang aktres.

Kaya ayon sa ilang friends ng TV host, wala itong kaangal-angal sa kanyang buhay ngayon kahit na nga halatang-halatang laspag na ang hitsura niya.

Open din daw ang relasyon nito sa kanyang mga kaibigan kaya wala itong problema kahit pa makita silang magkasama sa mga lakaran.

ASIA PACIFIC SCREEN AWARDS

BEST ASIA-PACIFIC FILM OF ALL TIME

CHOICE AWARD

FANNY AND ALEXANDER

FILM ARCHIVES

GENTLEMEN PREFER BLONDES

HIMALA

HOWARD HAWKS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with