^

PSN Showbiz

The X Factor Philippines waging-wagi!

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Namayagpag ang biggest musical event ng taon na The X Factor Philippines sa national TV ratings noong Sabado (Aug. 4) at Linggo (Aug. 5) at tinaob ang pambatong talent-reality shows ng mga kalabang network.

Base sa datos ng pinagsamang urban at rural ratings data ng Kantar Media, wagi ang The X Factor Philippines sa average national TV rating na 20.7% kontra Artista Academy ng TV5 at ang panlaban ng GMA 7 na Protégé: The Battle For the Big Artista Break na nag-rate lang ng 13.2% kumpara sa 16.6% ng The X Factor Philippines.

Talaga namang tinutukan ng mas maraming Pilipino ang hit Kapamilya show lalo pa’t naganap na ang unang tanggalan sa kumpetisyon kung saan unang pinauwi ang manok ni Charice sa Girls category na si Jerrianne Templo. Natuldukan na nga ang pangarap ng dive guide mula Mandaluyong City matapos siyang mapabilang sa may pinakamababang bilang ng boto kasama si Joan Da ng Over 25s.

Matapos ang kanilang huling showdown at one-on-one na pagtatapat sa kantahan, nagdesisyon na ang mga judge-mentor na sina Martin Nievera, Gary Valenciano, at Pilita Corrales at mas pinili nila si Joan.

Bakas naman ang lungkot kay Charice lalo pa’t siya ang unang nalagasan ng pambato. Ano kaya ang itatanghal ng labing-isang natitirang finalists sa pagtatapos ng linggo?

Sino ang susunod na pauuwiin? Sinong judge-mentor ang malalagasan? Huwag nang bibitiw sa mas tumitindi pang kumpetisyon sa The X Factor Philippines, kasama si KC Concepcion bilang host, tuwing Sabado, pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya, at Linggo, pakatapos ng Sarah G. Live! sa ABS-CBN.

vuukle comment

ARTISTA ACADEMY

BATTLE FOR THE BIG ARTISTA BREAK

CHARICE

GARY VALENCIANO

JERRIANNE TEMPLO

JOAN DA

KANTAR MEDIA

LINGGO

MAALAALA MO KAYA

X FACTOR PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with