Ex-lovers nagkita, P-Noy at Shalani namigay ng relief goods
SEEN: Sina P-Noy at Valenzuela City Councilor Shalani Soledad-Romulo na dating ex-lovers ay nagkita kahapon. Dinalaw ni P-Noy ang mga nasalanta ng baha sa Valenzuela City.
SCENE: Ang announcement kahapon ni Kris Aquino sa Kris TV na magka-text sila ni Shalani Soledad-Romulo dahil sa relief goods na dadalhin niya sa Valenzuela City.
SEEN: Mali ang akala ni Fabio Ide na bagyo ang may kagagawan ng pagbaha sa Metro Manila.
Kulang ang knowledge ni Fabio tungkol sa habagat.
SCENE: Pinagkaguluhan si Nora Aunor ng mga tao nang mamahagi siya ng relief goods noong Miyerkules sa Barangay Sta. Lucia, West Fairview, Quezon City.
SEEN: Namimigay ng pagkain ni Rufa Mae Quinto sa flood victims na walang mga TV camera na nakatutok.
SCENE: Pinatuloy ni Jim Paredes sa kanyang tahanan ang mga tao na biktima ng baha pero hindi niya personal na kilala.
SEEN: Nauna sa billing ang pangalan ni Benjamin Alves sa pangalan ni James Blanco sa poster ng Guni-Guni ng Regal Entertainment, Inc.
Gumawa na noon ng pelikula si Benjamin sa Viva Films bilang Vince Saldana at introducing siya sa Guni-Guni sa kanyang bagong screen name.
SCENE: May plano si Mother Lily Monteverde na ipagdiwang ang kanyang birthday sa Aug. 19 sa piling ng entertainment press.
- Latest