^

PSN Showbiz

Maraming bahay ng mga artista, lumubog din sa baha!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Lubog pa rin ang bahay ng ilang celebrities na naapektuhan ng matinding baha na sumalanta sa Maynila.

Nakaka-text namin si Nadia Montenegro kahapon, naghahanap na raw sila ng condo unit na pansaman­tala nilang titirhan dahil mukhang matatagalan pa raw bago nila mabalikan ang kanilang tahanan.

Pansamantalang nakatira sina Nadia sa hotel kasama si Sylvia Sanchez na lumubog din ang bahay.

Ang young actor na si Hiro Magalona ay lubog din ang bahay at hindi pa rin daw humuhupa ang baha sa kanilang lugar sa Novaliches.

Ang nakakatuwa lang, tulung-tulong din ang mga celebrities sa pagtulong sa mga nasalanta ng baha.

PAK: Ayaw pa ring kumpirmahin sa amin ng bagong manager ng sexy dramatic actor ang nalalapit nitong paglipat sa GMA 7.

Pursigido na raw kasi si aktor sa paglipat dahil ayaw na raw niya sa dati niyang TV network.

Kaya ayaw pa niyang ipabalita ay baka harangin daw at pakiusapan itong huwag ituloy ang paglipat.

BOOM: Kasama si Marian Rivera sa Philippine National Red Cross na nagkaroon ng rescue operation sa mga nasalantang baha sa Araneta Avenue.

Pati sa pamimigay ng relief goods ay tumulong din ito.

Wala pa itong matinding baha ay nabanggit na ni Marian na gusto niyang makipag-ugnayan sa Phil. National Red Cross sa mga proyekto nila bilang bahagi ng selebrasyon ng kanyang kaarawan.

Tamang-tama maraming mga activities ang Phil. National Red Cross na pinangungunahan ni Chairman Richard Gordon na puwedeng samahan ni Marian.

ARANETA AVENUE

AYAW

CHAIRMAN RICHARD GORDON

HIRO MAGALONA

KASAMA

MARIAN RIVERA

NADIA MONTENEGRO

NATIONAL RED CROSS

PHILIPPINE NATIONAL RED CROSS

SYLVIA SANCHEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with