Habang may matinding kalamidad Charice nagpalit ng manager!
Iba naman ang drama ni Charice sa gitna ng matinding kalamidad na nangyari na nanalanta sa ating bayang magiliw.
Habang malakas ang ulan at malalim ang tubig baha, nag-announce si Charice sa kanyang Twitter account na iba na ang manager niya: “A bit of news, Grace Mendoza is no longer my manager. I thank her for the work and time she has spent with me. Courtney Blooding is the new point of contact for me. You can reach her at [email protected].”
Pamilya ni Sheena Halili nasa ibabaw na ng bubong
Worried na worried si Sheena Halili para sa kanyang pamilya na nakatira sa San Fernando, Pampanga. Ang kanyang lolo, lola, at ibang mga kamag-anak ang pamilya na tinutukoy ni Sheena.
Bumaha kahapon sa lugar nina Sheen sa Fernandino Street, Barangay San Nicolas kaya humingi siya ng tulong sa Pamamagitan ng kanyang Twitter account.
“Pls. rescue my family..brgy San Nicolas san Fernando pampanga.. Nasa Fernandino street..Nasa bubong na po sila.. Pls help them. 4 families andun,” ang tweet ni Sheena na nagkataon na nasa Quezon City at wala sa kanilang bahay sa San Fernando.
Kabilang si Congresswoman Lani Mercado sa mga pinadalhan ni Sheena ng tweet dahil alam niya na matutulungan siya ng kongresista ng Bacoor, Cavite na nakatrabaho niya noon sa Amaya.
Paolo nanghingi ng tulong para sa kapatid na binaha
Hindi lamang si Sheena ang artista na ginamit ang Twitter sa paghingi ng saklolo dahil nag-tweet din si Paolo Ballesteros tungkol sa kanyang mga kapatid na nakatira naman sa Tatalon, Quezon City: “Guys, pls rescue mga kapatid ko and 2 yr. old nephew sa ROTC Hunters Brgy. Tatalon, QC along Quezn Ave. Baka meron kayong rubber boat tnx tnx.”
Ilang oras bago humingi ng saklolo si Paolo, nag-post pa siya sa Twitter ng kanyang litrato para ipakita ang tubig baha na nagbabanta na pumasok sa village na tinitirhan niya.
Derek at mga nasa abroad shocked na shocked sa nangyayaring pagbabaha kahit walang bagyo
Walang bagyo pero malakas ang ulan kahapon sa Luzon dahil sa habagat na resulta ng malakas na bagyo sa China.
Hindi tuloy masabi na dala ng bagyo ang kalamidad na dumapo kahapon sa ating bansa, hindi katulad noong 2009 na epekto ni Ondoy ang malakas na ulan at pagbaha sa Metro Manila.
Shocked na shocked ang mga kababayan natin sa Amerika at sa ibang bansa dahil live na napanood sa TFC ang mga pangyayari kahapon. Shocked na shocked sila dahil hindi nila inaasahan na ganoon katindi ang epekto ng malakas na ulan.
Pati si Derek Ramsay na nasa London, England para sa coverage ng 2012 London Olympics, worried na worried sa mga eksena na nakita niya.
- Latest