Mga mentors ng Protégé kanya-kanyang pasiklaban
Ipinakilala na rin formally sa first live gala night ang Top 20 aspirants ng Protégé The Battle for the Big Artista Break ng GMA 7 na linggu-linggo ay maglalaban-laban para makapili ng isang lalaki at isang babae na huhusgahan ng apat na hurado na binubuo nina Joey de Leon, Cherrie Gil, Bert de Leon, at ang pangulo ng GMA Network Films na si Atty. Annette Gozon-Abrogar para sa karapatang maiuwi ang P12 M worth of cash prizes at isang management contract sa GMA 7.
Ang Top 20 aspirants ay pinili ng limang mentors na ginalugad ang buong bansa para sa isang nationwide hunt para makapili ng tig-dalawang babae at lalaki na sasanayin nila. Sa Mindanao na-assign si Phillip Salvador, sa Visayas naman pumunta si Jolina Magdangal. Si Ricky Davao ay inabot ng kanyang paghahanap sa Northern and Central Luzon, si Gina Alajar sa Southern Luzon at si Roderick Paulate sa Mega Manila.
Apat ang magsisilbing host ng Protégé – sina Carla Abellana, ang Journey Host; Dingdong Dantes, Live Gala Presenter; Jennylyn Mercado, Inside Protégé host at si Maxene Magalona, Protégé Webjock.
Ang limang grupo ng kabataan ay hinati sa pamamagitan ng kulay sa kanilang pormal na presentasyon. Dilaw ang kulay ng grupo ni Ricky, berde ang kay Roderick, pula ang kay Phillip, lilac ang kay Jolina at asul kay Gina.
Hindi nagpayabangan ang 20 na kalahok sa kanilang unang pagsalang sa media. Mas naging mayabang pa ang limang mentors na lahat ay naniniwala na magagaling ang mga napili nila.
Lahat ng aspirants ay artistahin, marunong umarte sumayaw, at kumanta. Sa tatlong talento na ginamit nila sa audition, sinabi nilang may isa silang expertise. Isa o dalawa lamang ang nagsabing magaling sila sa tatlong talentong ipinamalas nila.
Nakahihigit ang bilang ng mga problemadong kabataan na naghahangad lamang mag-artista para nakatulong sa pamilya.
Ilan sa mga babae sa 20 aspirants ng Protege ay dumaan sa mga beauty contests kundi ng kanilang probinsya ay sa iskwelang pinag-aralan nila.
Si Shelley Hipolito , 16 ay naging Bb. Cabanatuan. Si Zandra Summer 18, ay dating Mutya ng Cebu. Ang 15 taong gulang na Boholena na si Mitch Capili ay Miss Little Atunas nung bata siya. At si Reese Tayag, 16, ay Miss Teen Paniqui.
Meron na ring propesyonal sa mga naghangad maging sikat na artista. Tulad ni Apple Vega, 20, ng Dipolog ay isang registered midwife.
Si Kelly D, 15, ng Pasig na sinusuportahan ang sarili niya sa pagiging acoustic singer. Sa mga gigs naman kumikita si Reese Tayag.
KC naduwag sa pa-seksihan
Tama lang marahil na mapalitan si KC Concepcion ni Andi Eigenman sa pelikulang Nothing Compares To You bilang katrayanggulo nina Anne Curtis at Derek Ramsay na ang tema ay katulad ng sa No Other Woman. Bukod sa pagiging abala niya sa maraming bagay na ang isa ay pagiging host ng The X Factor, maraming tagasubaybay at fans ng anak ni Mega ang nag-aalala na baka hindi niya kayanin ‘yung pagiging daring ng kanyang role. Maaring lumaban si KC ng sabayan sa pagsusuot ng mga seksing damit pero, kaya rin ba niya ang mga love scenes at kissing scenes na ire-require ng kanyang role na ginawa before ni Cristine Reyes? Sabihin man niya na oo, payagan kaya siya ng mga fans niya? At her age, itinuturing pa rin na wholesome si KC ng mga tagasubaybay niya. She can pay lip service sa kanyang makakapareha pero, magagawa rin ba niyang intense at passionate ang mga ito?
Feeling ng mga manonood ay mas mabibigyan justice ni Andi ang mga ganitong eksena kesa kay KC.
- Latest