^

PSN Showbiz

Pamilya ni JM may pinagdadaanan, ina ibubukod ng tirahan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - The Philippine Star

Maraming nakakapansin ngayon sa galing ni JM de Guzman sa pag-arte sa mga ginagawa niyang proyekto. Katulad na lamang ng kanyang ginawa sa Maalaala Mo Kaya at sa indie film na Intoy Syokoy sa Kalye Marino kamakailan. Ayon kay JM ay lalo pa niyang pagbubutihan ngayon lahat ng proyektong ipinagkakatiwala sa kanya. “Sa totoo lang, may bago akong goal ngayon. Gusto ko mag-rent-to-own ng condo for my mom. Kapag may projects na dumating sa akin mas ipapakita ko na kaya ko para mas may ipagkatiwala sa akin,” pagtatapat ni JM.

Mayroong pinagdadaanan ngayon ang pamilya ng aktor kaya gusto niyang bilhan ng sariling bahay ang kanyang ina. “May sari-sarili tayong issue sa family, ’yung mom ko kailangan. Sa akin na lang. Gusto ko lang may sarili siyang bahay. ’Tapos lalayo ako kasi ayokong masanay pero magkatabi lang ’yung unit namin. ’Yung sa akin rent lang,” paglalahad ng binata.

“Ngayon lang ako nakapag-isip, tinanong nga ako, ‘Sino mag-aasikaso sa ’yo?’ Pero ’yun na nga ang challenge. Dapat sarili ko kaya ko ’to pero hindi ko siya iiwan. Magkatabi kami ng condo unit, isu-supply ko ’yung groceries niya. ’Tapos may tutulong sa kanya na kamag-anak din namin, titira kasama niya,” dagdag pa ng aktor.

Ina ni Xian gusto si Kim

Patuloy pa rin si Xian Lim sa kanyang ginagawang panunuyo kay Kim Chiu. Nakilala na rin ng aktor ang pamilya ng dalaga. Aminado rin si Xian na sobrang malapit siya sa kanyang ina pero alam kaya ng ina ng aktor ang tungkol sa kanila ni Kim?

“Hindi ko na kailangang sabihin, although I do tell. Sinasabi ko sa kanya lahat pero ’di ko na kailangang sabihin ng kahit ano dahil alam niya ang nararamdaman ko towards work, towards anything,” pagtatapat ni Xian.

Naipakilala na rin ng binata sa kanyang ina si Kim.

“Sabi niya Kim Chiu’s a really nice girl. She’s beautiful, she looks amazing,” kuwento ng binata.

Madalas ding magbigay ng mga regalo at bulaklak si Xian sa dalaga.

“’Yung mga regalo, it’s more of showing my appreciation towards that really special person. Katulad nang kapag nakita ko ang taong ganun, I’m gonna show her that I care,” paliwanag ni Xian. Samantala, sa Aug. 15 ay mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang The Reunion kung saan ay isa si Xian sa mga bida. Makakasama ng binata sa pelikulang ito ng Star Cinema sina Enchong Dee, Kean Cipriano, at Enrique Gil.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ENCHONG DEE

ENRIQUE GIL

INTOY SYOKOY

KALYE MARINO

KATULAD

KEAN CIPRIANO

KIM CHIU

MAALAALA MO KAYA

XIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with