Nora Aunor hindi pa rin naoperahan!
Nakabalik pala ng bansa ng walang kaingay-ingay si Nora Aunor. Napanood siya sa unang palabas ng Ang Latest Updated na kung saan ay binigyan linaw niya ang ilang mga isyu na lumabas tungkol sa kanya habang wala siya rito. Nakasama ni Cristy Fermin sa paghimay ng ilang isyu sina Amy Perez, Cong. Lucy Torres-Gomez at Mr. Fu.
Maganda naman at substantial ang naging deliberasyon nila. Maganda rin ang interview ni Dolly Ann Carvajal sa Superstar.
Pero hindi man tuwiran at kahit idinaan ni Nora sa biro na may tampo rin siya kundi man tahasang nagre-rebelde sa parang ginagawang “pakikialam” ng Master Showman sa kanyang kita, patuloy at patuloy kasi siyang sinasabihan nito na mag-ipon na parang winawaldas lang niya ang kanyang pera.
Hindi pa naooperahan sa kanyang lalamunan si Nora. Sa Oktubre pa raw kapag available na ang kanyang doctor. Klinaro ni Nora na hindi naman tinamaan ang kanyang vocal chord sa isang beauty treatment na isinagawa sa kanya pero nag-iwan ito ng malalim na sugat na kailangang maoperahan.
Mikael at Andrea sampung beses agad naghalikan sa audition
May bagong tambalan na ilulunsad ang GMA Kapuso Network sa isang bagong novela na magsisimulang mapanood sa hapon ng September 3. Ito sina Mikael Daez at Andrea Torres na hindi naman basta-basta nakuha ang mga roles na gagampanan nila sa bagong teleserye. Dumaan sila sa isang audition para mabigyan ng pagkakataon na magbida sa kauna-unahang pagkakataon. Ang maganda sa dalawa ay masyado silang propesyonal para itanong kung bakit 10 beses silang dapat magkaroon ng kissing scenes eh, audition pa lang naman ang pinagdadaanan nila. Hindi pa ‘yun isang eksena ng serye na hinahanapan ng bida. Basta nang sabihing kailangan nilang maghalikan, walang tanung-tanong na ginawa nila yun ng ilang ulit, at walang reklamo.
Unang nagkasama sa My Beloved sina Mikael at Andrea. Bagaman at hindi sila ang magkapareha sa serye at wala silang interaction, it was enough para makilala nila ang isa’t isa.
“Happy kami ni Andrea na kami ang nasip na i-cast sa series. May mga naririnig na ako before na may mga kino-consider for the role. Pero hindi ko alam na kasama kami. It only proves na may tiwala sa amin ang GMA. Dapat lang na ipakita namin na deserving kami,” sabi ng isa sa mga sikat na bagong Kapuso hunk.
Andrea for her part ay nagulat din kahit matagal na siyang nasa GMA.
“Akala ko nga habang buhay na akong magiging support. Wala naman akong gustong gawin na iba kaya nagtyaga akong maghintay,” anang bagong magbibida na nakita ng marami na seksing-seksi sa unang pagharap niya sa media bilang mga bida ng remake ng isang Dingdong Dantes/Tanya Garcia 2001 series titled Sana Ikaw Na Nga.
Next week, August 13 to be exact, magsisimula na ng taping ang dalawa kaya abalang-abala sila sa workshop. Kahit alam nila na medyo sexy ang mga roles na gagampanan nila, go for it sila, hindi na nila kailangang mag-inarte pa.
- Latest