^

PSN Showbiz

Wala tuloy nakakapanood, coverage ni Derek sa Olympics madaling araw ini-ere!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

Kakatuwa ang kaibigan ko at kasamahan sa panulat dito sa PSN na si Vero Samio, talagang naghintay at naghanap siya ng mga palabas tungkol sa Olympics 2012 para lamang makita si Derek Ramsay.

Nung unang mga araw talagang waley, hindi niya ito nakita pero finally nung Thursday, mga 3:00 a.m., nakita rin niya ito interviewing one representative of the US women’s basketball team. Tapos ‘yung second time, may ininterview itong isang Lia Cruz.

May nabasa kasi siya sa isang column na nagsasabing nanghihinayang ang sumulat dahil hindi nito napapanood ang dating Kapamilya sa nasabing sports event sa London, eh ‘yun pa naman ang una niyang major na trabaho for TV5. Kaya nag-effort si Vero at ‘yun nga nakita rin niya ang bagong recruit ng Kapatid Network. Nagtataka lang siya kung bakit sa madaling araw ito ipinakikita eh puwede naman sa primetime.

Oo nga bakit nga ba hindi sa primetime, para hindi masayang ang kagalingang mag-host ng ex ni Angelica Panganiban.

Zsa Zsa nakaka-move on na

Talagang love ni ZsaZsing ang Hari ng Comedy. Gumaya ito sa mga anak at kamag-anak na nagpatattoo ng mukha ni Dolphy sa kanilang braso at katawan. Saan kayang bahagi ng kanyang katawan nagpatattoo si Zsa Zsa?

Marami ang natutuwa na tila nakaka-move on na ang Divine Diva sa pagkamatay ng kanyang Lovey. Nakatakda na itong bumalik ng ASAP at natapos na rin ang kanyang mga eksena sa I Doo Bidoo.

Ganito lang naman ang pinaka-madaling para­an para maiwaksi ang lungkot, ilublob mo ang sarili mo sa trabaho.

Hindi naman porke magkakaro’n din ng bagong hari ng komedi sa gusto man natin o hindi ay mawawala na ang pagka-hari ng namayapang komedyante. Magkakaro’n lang siguro ng bago at baka mas nakakabatang komedyante but Dolphy will always be the king.

ANGELICA PANGANIBAN

DEREK RAMSAY

DIVINE DIVA

DOLPHY

GANITO

I DOO BIDOO

KAPATID NETWORK

LIA CRUZ

VERO SAMIO

ZSA ZSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with