^

PSN Showbiz

Offer ng administrasyon tinanggihan, Aga ayaw mag-senador!

- The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Kahit may offer na mag-senador, nagdesisyon si Aga Muhlach sa kongreso na lang kumandidato.

Though alam niyang mas mahirap ang trabaho ng congressman, mas pinili niya ito kesa sa offer ng administration na kumandidato sa mas mataas na posisyon.

Ngayong araw, kasama ang 63 officials and leaders, magkakaroon ng oath-taking ceremony ang mga bagong members ng Liberal Party.

Be Careful with My Heart nag-No.1!

Wagi pa rin ang ABS-CBN noong Hulyo matapos itong manguna sa national TV ratings sa parehong urban at rural homes at nanguna rin sa daytime (6:00 a.m.-6:00 p.m.) at maging sa primetime (6:00 p.m.-12 MN) kung saan pinakamaraming nanonood na importante sa advertisers na naglalagay ng patalastas para maabot ang mas nakararaming Pilipino sa buong bansa. 

 Base sa datos ng Kantar Media, nakakuha ang ABS-CBN ng national audience share na 42% o mahigit 12 puntos sa 30% ng GMA.

Nagawa ring ungusan ng ABS-CBN ang kalaban sa national daytime noong Hulyo sa average share na 37% - pinakamataas ang Be Careful with My Heart. Pumalo ang seryeng kinatatampukan ni Jodi Sta. Maria at Richard “Papa Chen” Yap.

 Pagpasok ng primetime, 49% ng mga kabahayan sa bansa ang nakatutok na sa ABS-CBN o halos doble ng 27% na nanonood sa GMA.

 Namayagpag din sila sa ibang teritoryo sa bansa pagda­ting sa primetime. Sa Metro Manila, natalo ng ABS-CBN ang kalaban sa average primetime audience share na 37%.

 Pagdating naman sa total Balance Luzon (mga lugar sa Luzon na nasa labas ng Mega Manila), pumalo ang ABS-CBN sa primetime audience share na 51%. Nananatili namang balwarte ng Kapamilya ang rehiyon ng VisMin dahil sa 58% primetime audience share nito sa Visayas kontra 23% ng GMA, at 64% naman sa Mindanao.

 Numero uno pa rin ang Walang Hanggan sa ave­rage national TV rating na 39.2% na sinusundan ng MMK (38.2%) at Princess and I (36.6%).

 Pumang-apat naman ang TV Patrol na nangu­nguna pa ring primetime newscast sa bansa matapos itong pumalo ng national TV rating na 31.8%.

  Samantala, palaban din ang mga weekend program dahil nasungkit nito ang ikalima hanggang ikasampung puwesto sa top 15. Kabilang dito ang Wansapanataym (31%), PBB Teen Edition 4 (Saturday) (26.6%), Rated K (26.5%), Kapamilya Deal or No Deal (25.3%), The X Factor Philippines (Saturday)” (24.8%) at Goin Bulilit (24.3%).

 Ang iba pang Kapamilya shows na kasama sa top 15 ay Lorenzo’s Time (22.7%), Aryana (22.7%), Sarah G Live (20.4%), at TV Patrol Weekend (19.8%).

TV5 susubukan ang latest!

 Simula Sabado, Agosto 4, magkakaroon ng bago at mas-fresh na entertainment show ang Kapatid Network. Ang Latest Updated ay magsisimula sa ika-10:30 ng umaga. Sina Cristy Fermin, Mr. Fu, Amy Perez, at Lucy Torres-Gomez ang main hosts ng nasabing palabas.

Kalahating-oras lang ang Ang Latest Updated pero kung nabitin ka sa tsismis at balita, magkakaroon din ng Ang Latest Up-To-The-Minute. Series ito ng mga interstitials kung saan ihahain ang pinakamainit na chika sa loob ng isang minuto. Ipapalabas ito araw-araw. Ang Latest Up Late naman ang papalit sa da­ting timeslot ng Juicy na magtatapos na rin sa Sabado.

Punung-puno ang thirty minutes ng programang ito ng pinakabagong balitang showbiz mula Lunes hanggang Biyernes.

Tama talaga ang kuwento ng source ko na hindi na happy ang management sa rating ng Paparazzi. Hindi raw talaga ito makaabante at maging ang Juicy. Kung may commercial man daw, super sadsad naman sa ratings.

Abangan natin kung maiiba ang kapalaran ng Ang Latest.

Mark Anthony Fernandez nag-renew ng contract sa GMA network

 Nag-renew ng kontrata sa Kapuso Network si Mark Anthony Fernandez. Kasama si Mark sa Makapiling Kang Muli, isa sa may pinakamataas na rating sa GMA Primetime shows.

 Present in the contract signing were (from left) Dondon Monteverde (Mark’s manager), Mark, GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon, GMA Entertainment TV’s OIC Lilybeth G. Raso­nable, and Assistant Vice President for Entertainment TV Redgie Acuña-Magno.

AGA MUHLACH

AMY PEREZ

ANG LATEST

ANG LATEST UP-TO-THE-MINUTE

ANG LATEST UPDATED

BE CAREFUL

MARK ANTHONY FERNANDEZ

MY HEART

PRIMETIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with