Noli De Castro biglang natakot patulan si P-Noy
Dumalo si Katherine de Castro sa silver anniversary party ng TV Patrol sa Manila Hotel noong nakaraang Biyernes kaya narinig niya nang buong-buo ang mga sermon ni P-Noy sa kanyang tatay na si Noli de Castro.
Ang sabi ng isang eyewitness, kitang-kita sa mukha ni Kat na na-offend ito para sa kanyang loving father. May nagkuwento na may mga tweet si Kat tungkol sa pinag-uusapan na talumpati ni P-Noy pero na-delete na.
Nakalagay na lang sa Twitter ni Kat na forever niya na ipagtatanggol ang kanyang ama. Pinagsabihan din siya ng mga magulang na huwag nang gumawa ng isyu at bilang tribute at pagpapakita ng pagmamahal kay Kabayan, naka-post sa Twitter ni Kat ang picture nila ng kanyang daddy dearest.
No comment naman si Kabayan sa mga sermon sa kanya ng pangulo ng Pilipinas. Nag-smile si Kabayan nang tanungin siya ni Mama Korina Sanchez at nag-dialogue ng “Ayokong magsalita diyan!”
Marami ang naaliw sa sportsmanship na ipinakita ni Kabayan dahil hindi siya nagpaapekto sa harap-harapan na panenermon ni P-Noy. Ipinalabas din sa TV Patrol ang mga emote ni P-Noy laban kay Papa Noli.
Regine malakas ang pakiramdam sa multo
Mga hindi ordinaryong tsismis ang mapapanood sa H.O.T. TV, ang Sunday afternoon talk show ng GMA 7 na magsisimula sa darating na Linggo.
Mga hindi ordinaryo dahil maghahatid ng kakaibang balita ang mga host ng show, sina Regine Velasquez, Roderick Paulate, Jennylyn Meracado, at Raymond Gutierrez.
May nagtanong kay Regine kung may kuwento ang H.O.T. TV tungkol sa mga ghost. Afraid pala si Regine sa ganoong topic dahil malakas ang pakiramdam niya sa mga multo. Sina Raymond, Jennylyn at Roderick, afraid din kaya sa ghost?
Lambingan nina Richard at Sarah maraming witness
Blooming si Sarah Lahbati sa presscon interview sa kanya kahapon. Kahit hindi umamin si Sarah, obvious na may kinalaman si Richard Gutierrez sa kanyang kakaibang aura.
Kung magiging boyfriend niya si Richard, masuwerte si Sarah dahil one-woman man si Richard. Wala sa track record ni Richard ang mangaliwa dahil faithful boyfriend siya. Mukhang namana niya kay Annabelle Rama ang pagiging tapat na karelasyon.
Hindi gimik para sa Makapiling Kang Muli ang sweetness nina Richard at Sarah sa isa’t isa. Mismong ang staff ng kanilang primetime show sa GMA 7 ang makapagpapatunay na very close na ang dalawa.
Cinemalaya entries nire-request ituloy sa ayala malls
May mga request na ipagpatuloy ang pagpapalabas sa Ayala Malls Cinema ang mga pelikula ng 2012 Cinemalaya Independent Film Festival.
Marami ang hindi nakapunta sa Cultural Center of the Philippines para panoorin ang Cinemalaya entries dahil nalayuan sila sa venue.
Balitang-balita na magaganda ang mga pelikula na kasali sa Cinemalaya kaya hinihiling ng moviegoers na i-extend ang showing sa mga sinehan ng Ayala Malls tulad ng Trinoma sa Quezon City dahil madali itong puntahan.
Ang Bwakaw, Mga Mumunting Lihim, Sta. Niña, at Posas ang nangunguna sa listahan ng mga pelikula na gustong panoorin ng mga mahihilig sa sine. Ang Posas ang winner ng best film ng Director’s Showcase Category ng 2012 Cinemalaya.
- Latest