Diether wala na sa bokabularyo ang kasal
PIK: Kumalat sa Internet ang litrato nina Julie Anne San Jose at Elmo Magalona na masayang nagkukuwentuhan sa isang coffee shop.
Hindi namin alam kung nataon lang sa promo ng pelikula nilang Just One Summer pero bagay naman silang tingnan at sana nga sila na.
Pero sabi naman ni Julie Anne, mas masaya silang dalawa na nadi-develop ang magandang friendship. Hindi naman puwedeng piliting maging sila. Ang mahalaga, masaya sila at masaya na rin ang kanilang fans na magkasama silang dalawa.
PAK: Successful ang premiere night ng Benchingko Films na ginanap sa Centerstage ng SM Mall of Music nung isang gabi.
Isa sa mga dumalo ay si Rocco Nacino na patuloy pa ring iniintriga ang pelikula niyang Lam-Ang na hindi na ito tatapusin dahil kinapos sa budget.
Sagot ni Rocco: “Okay lang na magsalita sila ng ganun. Pero I’ve been on the phone with the director for three days, araw-araw kami nag-uusap.
“Napapag-usapan na kung kailan na kami magri-resume. ’Di lang kami makapag-shoot talaga kasi nga of the bad weather.
“Sa bundok pa kami magsyu-shoot at kung masama ang weather hindi talaga kaya we have to wait talaga.”
Baka sa susunod na buwan ay babalik na sila ng Ilocos para ipagpatuloy ito. Tingin naman niya hindi sila kinakapos ng budget dahil pursigido naman ang producer na tapusin ang pelikula.
BOOM: Dumalo rin si Diether Ocampo sa premiere night na ’yun ng Benchingko Films ng may-aring si Ben Chan at iba na ang sagot nito nang tinanong kung kailan nang balak lumagay sa tahimik.
Sabi ni Diether, naranasan na niyang magpakasal at okay na muna ’yun dahil hindi naman naging successful.
Nilinaw nitong hindi naman siya na-trauma sa kasal pero wala pa rin sa plano niya na maranasan muli ang magpakasal.
“Hindi naman sa na-trauma. Okay naman ang experience na ’yun. Subukan mo,” medyo pataray na sagot sa amin.
- Latest