^

PSN Showbiz

Indie Film ni Nora na inisnab ng MMFF, imbitado sa Venice Filmfest

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Ayan, dahil inisnab ng MMFF ang Thy Womb, mauunang mapanood sa 69th Venice International Film Festival ang comeback movie ni Nora Aunor directed by Brillante Mendoza. Inimbita ang pelikula sa Main Competition Section ng film festival na tatakbo mula August 29 hanggang September 8.

Ipalalabas din sa Venice International Film Festival ang Himala, ang 1982 classic movie ng Superstar sa special section ng filmfest. Kaya ang mapapanood sa filmfest ay ang past at present ni Guy.

Sa interview kay Bembol Roco sa taping ng One True Love, nagpahayag ito nang pagtataka kung bakit hindi napili ang Thy Womb sa 2012 MMFF. Maganda raw ang pelikula at ipapakita ang culture ng mga Badjao.

Asawa niya si Guy na isang Badjao midwife at ma­papangasawa rin niya ang kapatid ni Guy played by Lovi Poe. Si Guy pa ang magpapaanak sa second wife niya at poster pa lang, panalo na!

Sam na-pressure kina Ogie at Eugene

Biggest movie break ni Sam Concepcion ang role ni Rock Polotan sa I Do Bidoo Bidoo: Heto nAPO Sila ng Unitel Productions, kaya magkahalong nerbiyos, kaba, at pressure ang nararamdaman niya.

“Over all, overwhelming ang feeling at paranoid pa nga ako. After every take, I watched the playback para makita if I did the right thing. Hindi lang alam ni direk Chris Martinez sobra ang kaba ko, hindi ko lang pinahalata,” kuwento ni Sam.

Sina Ogie Alcasid at Eugene Domingo ang gaganap na parents ni Sam sa I Do Bidoo Bidoo, how is it working with them?

“Noong una, pressured ako, inisip ko paano kun­di ako makasabay sa kanila? Si Kimmy Dora at si Boy Pick-Up ‘yun, ang gagaling nila kaya mataas ang pressure. Pero thankful ako dahil they made me comfortable.”

Tsinika ni Sam ang love scene nina Eugene at Ogie na sobra raw nakakatawa at paglabas ng sinehan ng moviegoers, isa ang love scene sa pag-uusapan. 

Kasama sa mga tanong kay Sam kundi ba niya napi-feel na napapabayaan siya ng ABS-CBN at kung feeling niya naungusan na siya ng milya-milya ni Daniel Padilla?

 “Hindi ko feel na pinababayaan ako ng ABS-CBN, nag-renew ako ng two-year contract sa kanila at may show naman ako. As for Daniel, hindi pa naman niya ako naiiwanan dahil nakikita ko pa siya sa ABS-CBN,” sagot ni Sam.

Jinkee mga hollywood celebrities ang isasalang sa show

Malapit na palang simulan ang talk show ni Jinkee Pacquiao sa GMA 7 entitled Love. Life. Kundi na magbabago, by September, eere na ang show, kaya pala kasama na si Jinkee sa talents ng Channel 7 na kinunan sa Station ID.

Isa sa matinding pag-come on ng Love Life ang Hollywood celebrities na maiinterbyu ni Jinkee. Kung one season lang ang talk show ni Jinkee, hindi siya mauubusan ng Hollywood celebrities na puwede niyang i-guest.

AKO

BADJAO

BEMBOL ROCO

BOY PICK-UP

BRILLANTE MENDOZA

CHRIS MARTINEZ

I DO BIDOO BIDOO

JINKEE

THY WOMB

VENICE INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with