^

PSN Showbiz

Caloocan City Prosecutor idinismis ang mga kaso sa mga taga-GMA

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nirekomenda ng Caloocan City prosecutor ang pagdi-dismiss ng inihaing reklamo laban kina GMA Chairman at CEO Atty. Felipe L. Gozon, Imbestiga­dor host Mike Enriquez at Imbestigador segment pro­ducer John Cabaluna na nag-ugat sa isang episode ng nasabing programa na umere noong Jan­. 29, 2011. 

Nakasaad sa resolution ni Investigating Prosecutor Albert Cansino ng Office of the City Prosecutor ng Caloocan na dapat lamang idismiss ang reklamo dahil sa kakulangan ng sapat na ebidensiya.

Inakusahan ang mga respondent mula sa GMA ng kidnapping, libel, injury, frustrated homicide, robbery, obstruction of justice, illegal arrest, abuse of authority, trespassing, fraud, perjury, at estafa ni Daniel Orijuela matapos siyang makorner  sa raid na isina­gawa sa kanyang opisina ng National Bureau of In­vestigation (NBI) dahil sa illegal medical practices.

Noong November 2010, nag-alok diumano si Ori­juela na gamutin si Franciso Elmaga, Sr., isang pas­yenteng may stage IV prostrate cancer, gamit ang kanyang ‘antibody treatment’ machine. Ayon kay Orijuela, mapapabuti ng machine niya ang pa­ki­ram­­dam ng pasyente pero hindi garantisadong ma­ka­pagbibigay lunas  ito. 

Ang paggamit ng machine sa loob ng dalawang bu­wan pati na ang mga food supplements ay  nagka­kahalaga ng P100,000.

Pumayag ang pamilya ni Elmaga, Sr. na gamitin ang machine ni Orijuela pero wala silang sapat na pera upang bayaran ang buong halaga noong panahong iyon  kung kaya’t nahinto ang paggamit niya ng machine noong Nobyembre. Inako ni Elmaga, Jr. ang pagbabayad ng discounted price na P50,000 kaya’t nakapagpatuloy sa paggamit ng machine si Elmaga, Sr. noong Dec. 31, 2010. Nahinto nang tuluyan ang paggamit ng machine noong Jan. 12, 2011 dahil ’di natupad ni Elmaga, Jr. ang  pagbaba­yad ayon sa kasunduan nila ni Orijuela.

Dahil dito ay naging paksa ng isang NBI entrap­ment operation si Orijuela noong Jan. 28, 2011, at pagkatapos ay na-detain sa NBI office.

Ang mga insidenteng ito ay pinalabas sa programang Imbestigador.

ALBERT CANSINO

CALOOCAN CITY

DANIEL ORIJUELA

ELMAGA

FELIPE L

JAN

ORIJUELA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with