Dahil pinagbintangang nangupit..., anak, sinunog at itinapon sa septic tank ang sariling ama
MANILA, Philippines - Sinumpak habang natutulog hanggang sa mapatay ang isang 79-anyos na magsasaka ng kanyang anak at sinunog ang bangkay bago itapon sa septic tank makaraang pagbintangang nangupit ito sa kanya ng P4,000 at isinangla ang alagang kalabaw.
Ito ang karumal-dumal na kasong pagpaslang na iimbestigahan ni Gus Abelgas sa numero unong crime investigation program na SOCO: Scene of the Crime Operatives ngayong Sabado (July 28) ng hapon sa ABS-CBN.
Batay sa imbestigasyon ng San Carlos Police sa Pangasinan, hinataw umano muna ng suspek na si Pedro de Vera, Jr. ng kawayan ang kanyang ama bago pagbabarilin. At dahil sa takot umanong matuklasan ng kanyang mga kapatid ang krimen, nagpasya itong sunugin ang katawan ng biktima at isiksik sa poso negro.
Tutukan ang pagsasadula ng krimen sa SOCO: Scene of the Crime Operatives hosted by Gus Abelgas ngayong Sabado pagkatapos ng Showbiz Inside Report sa ABS-CBN.
- Latest