Xyriel kumakayod kahit may sakit
Hindi nagkamali ang Yahoo! OMG Awards na hiranging child star of the year si Xyriel Manabat. Pagdating sa pag-arte ay talagang nangunguna ito. Sa kanyang paglabas sa Wansapanataym ay umangat ng labis ang programa at pumangalawa sa Top 10 shows sa nasabing slot.
Mahirap makalimutan ang kanyang performance bilang isang grown-up na nakulong sa katawan ng isang bata sa 100 Days to Heaven. It will take some really talented kid na gawin ang ginawa niya sa nasabing palabas and be able to convince ’yung mga manonood na matanda na nga siya sa pag-iisip pero bata sa hitsura. Nagawa niyang sabihin ang mga mahahaba niyang dayalogo ng tuluy-tuloy at hindi bumabakel.
Tiyak na muling tututukan ang panibagong aral na ibinibigay niya sa buong pamilya tuwing Sabado sa Wansapanataym ng ABS-CBN.
When asked kung hindi ba siya nahihirapan sa kanyang taping, sinabi niyang masaya sa taping.
“Ikinukuwento muna nila sa akin ang istorya para mas mabilis kong mamemorya ang script ko. ’Tapos sinasabi na lang ng direktor kung ano ang gagawin ko,” sabi ng batang tahimik lang kung walang eksena pero kapag nakasalang na ay biglang nagiging ’yung role na na ginagampanan niya.
Nakikita lamang na isang ordinaryo rin siyang bata kapag inaantok na o may dinaramdam. Kaya naman natutulog siya kapag walang eksena at pinagpapahinga muna kapag may nararamdaman siyang sakit. Tulad ng minsang sumakit ang kanyang tiyan. Gustuhin man ng direktor na pauwiin na siya, ayaw niya. Nagpalipas lang siya ng ilang sandali at ng okay na siya ay ipinagpatuloy niya ang kanyang taping.
Venus naka-major, major sa ratings
Maaari nang magmalaki ang Miss Universe 2010 4th ruuner-up na si Venus Raj dahil ang kanyang biopic na itinampok sa Maalaala Mo Kaya nung Sabado ay major, major ratings winner sa TV. Base sa pinakahuling datos ng Kantar Media, No. 1 weekend TV show ito with 40.9% national TV ratings. Samantala, ngayong Sabado (Hulyo 28) sa MMK din, bibida naman ang Kapamilya leading man na si JM de Guzman bilang isang lalaking wagas magmahal. Gaganap ito bilang si Acmad na simple lamang ang buhay hanggang ma-love at first sight kay Flor (Marlann Flores) na pumayag makipag-live in sa kanya kapalit ng P700. Natatapatan nga ba ng salapi ang tunay na pag-ibig? Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Rechie del Carmen.
Denise ninerbiyos makipag-love scene kay Martin
Napasabak si Martin del Rosario hindi lamang sa acting sa bagong programa sa hapon ng ABS-CBN, ang Pintada na pinagbibidahang muli ni Denise Laurel. Pero kung inaakala n’yo na ninerbiyusin siya sa love scene nila, mas ang aktres dahil siya ang kinailangang umalalay sa mas nakababatang aktor. First time ni Martin na magkaroon ng love scenes at si Denise ay itinuturing na “hot mama.” Siya ang inaasahang magdadala ng eksena.
Hindi naman mabibigo ang mga manonood, sa kabila ng first team up nila ang teleserye at agad ay meron silang maiinit na eksena, ginawa nila ito ng maganda at naaayon sa limitasyon na itinakda para sa mga programa na napapanood sa hapon na may mga bata nang nanonood.
- Latest