^

PSN Showbiz

LT pinag-aaralan ang offer ng tatlong network!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

May mga offer kay Lorna Tolentino ang mga leading TV network pero pinag-aaralan naming mabuti ang mga alok.

Bilang manager, pinakikinggan ko ang mga offer at saka ko ito sinasabi kay LT. Siya ang bahala na magdesisyon kung type niya ang project na inihahain dahil siya naman ang artista, hindi ako. Hanggang tagapayo at negotiation lang ang drama ko.

Nakipag-meeting ako sa mga executive ng isang TV network noong Miyerkules dahil sa offer nila kay LT at dahil inabot ako ng gutom, naisip ko na pumunta sa Ryu Ramen & Curry, ang Japanese restaurant ni Ogie Alcasid at ng kanyang mga business partner sa Morato Avenue, Quezon City.

’Daaay, ang daming mga kostumer na kumakain sa restaurant ni Ogie kaya nag-order na lang ako ng to go. Nabalitaan na yata ng mga tao na masasarap ang mga food sa Ryu Ramen & Curry kaya mabilis na napuno ang resto dahil nagpang-abot ang mga kostumer.

Mula sa resto ni Ogie, dumiretso na ako sa Wil’s Events Place para sa misa at birthday dinner ni Dolphy.

Courtesy of Willie Revillame ang misa at ang dinner na pagkasarap-sarap ng mga pagkain. Naloka nga ako dahil Japanese food ang take out ko mula sa Ryu Ramen & Curry at Japanese food din ang ipinahanda ni Willie.

Naabutan ko sa Wil’s Events Place ang magkapatid na Eric at Ronnie Quizon. Nagpang-abot naman kami ni Dolor Guevara sa parking lot.

Type ko sana na gamitin ang hagdan sa pag-akyat sa 2nd flloor ng lugar para ma-test ko ang epekto sa akin ng stem cell therapy pero na-convince ako nina Dolor at Aida Espiritu na gamitin ang bagong install na elevator.

Alas-nuwebe ng gabi nang simulan ang misa. Nauna pa na kumain ang mga bisita dahil pumayag ang pari na unahin ang pagkain. Hindi na nakaabot si Willie sa Holy Mass dahil tinapos niya ang Wil Time Bigtime.

Hindi nakasipot si Zsa Zsa Padilla sa dinner at misa dahil iniinda niya ang masakit na balakang. Naka-relate ako sa nararamdaman ni Zsa Zsa dahil naranasan ko noon na sumakit ang aking balakang.

Hindi man nakarating si Zsa Zsa, nagpadala siya ng lechon. Ang anak nila ni Mang Dolphy na si Nicole ang naging representative ni Zsa Zsa dahil missing in action din si Zia Quizon. May flu raw ang pinakabunso sa magkakapatid na Quizon kaya magkasama sila ng kanyang ina sa pagpapahinga.

Private dapat ang dinner at ang misa para sa 84th birth anniversary ni Mang Dolphy pero pinuntahan pa rin ito ng mga TV crew.

Hindi nabigo ang mga TV reporter at crew na sumugod dahil pinayagan sila na makapasok at mainterbyu ang pamilya ni Mang Dolphy na naging accommodating at generous sa mga member ng media.

Kung hindi pa ako dumalo sa misa at birthday dinner, hindi ko masisilip ang sosyal na bar ni Willie.

Ang Side A Band ang tumutugtog nang silipin ko ang bar at nagulat ako dahil punumpuno ito ng mga kliyente. Sosyal na sosyal ang bar at ang bangu-bango ng amoy. Isa lang ang reklamo ko, masyadong malamig ang lugar dahil malakas ang buga ng mga aircon.

AIDA ESPIRITU

AKO

DAHIL

EVENTS PLACE

MANG DOLPHY

RYU RAMEN

ZSA

ZSA ZSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with