Jodi tinalbugan na si AiAi
Talagang may hatak na ang tambalang Richard Yap at Jodi Sta. Maria. Minsan ay sinabayan ko ng panonood ang aking mga maid of honor at katulad nila, natuwa ako sa teleserye. May dating!
Ano kaya ang say dito ni AiAi delas Alas? Di ba siya ang unang naka-loveteam ni Papa Chen? Magiging kasing hit ba ang Be Careful with My Heart kung sila muli ni Richard ang nagtambal?
Kaya lang nagreklamo ang mga kasambahay ko at maging ang mga kasambahay ng mga kapitbahay ko. Puwede raw bang bawasan ng kaunti ang pagiging palengkera ni Jodi? Hindi naman siya mangmang, ‘di ba may pinag-aralan siya? Bakit para naman daw napaka-cheap niya? Please respond.
Vi ibang-iba sa The Healing
Congrats kay Gov. Vilma Santos! “A” pala ang ratings na ibinigay ng Cinema Evaluation Board sa The Healing. But then, talagang pinag-isipan nila ni direk Chito Roño ang movie. Ibang-iba ito sa dating ginagawa ni gobernadora, kaya paano bang hindi gaganda?
Ang maganda pa sa pelikula, may dalawang bersiyon na ginawa, ang isa para sa mga kabataan may edad 13 pataas at ang ikalawa, ay para naman sa mga adult, ‘yung may edad na 18 pataas.
Walang Hanggan hindi pa alam kung kailan tatapusin
Maski raw si Coco Martin hindi alam kung hanggang kailan aabutin ang Walang Hanggan sa ere. Marami pa raw kasing character. Sign daw na magtatagal pa ang isang teleserye kapag kumukonti na ang mga characters. Eh ang WH ay nagdaragdag pa ng character kaya matatagalan pa raw ito. Ganun?! Well, good luck. Ayaw ng mga manonood ang sobrang pag-i-extend ng mga series.
Iniiwan nila itong nakabitin sa ere. For sure, ayaw ng ABS CBN na mangyari ito sa tinatawag nilang phenomenal show.
- Latest