Dahil kay Robin, Kris hindi na kakain ng karne!
SEEN: Walang plano si Zsa Zsa Padilla na iwanan ang bahay nila ni Dolphy sa Marina Bay.
Komportable sila ng kanyang mga anak sa kanilang 20-year old house.
SCENE: Nagbukas noong Martes ang Ryu Ramen & Curry, ang Japanese restaurant ni Ogie Alcasid at ng kanyang mga kaibigan sa Morato Avenue, Quezon City.
SEEN: Sinuportahan nina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Xian Lim, Maja Salvador, Matteo Guidicelli, at Dennis Trillo ang red carpet premiere ng The Healing sa Shangri-La Cineplex noong Martes ng gabi.
SCENE: Si Senator Ralph Recto ang escort ni Batangas Governor Vilma Santos sa red carpet premiere ng The Healing.
SEEN: Ang imbitasyon sa lahat ng mga artista na dumalo sa pirmahan ng Deed of Assignment para makasingil sila ng royalty mula sa mga pelikula at TV show na ginawa nila. Gaganapin ang pagpupulong sa Quezon City Sports Club sa August 26, 5 pm.
SCENE : Si Mitch Valdes ang head ng Performers Rights Society of the Philippines, ang collecting agency na nagsusulong na makasingil ang mga artista ng royalty mula sa kanilang mga pelikula at TV program.
SEEN: Ang statement ni Kris Aquino sa Kris TV na hindi siya kakain ng karne bilang respeto kay Robin Padilla dahil may kissing scene sila sa Kung Kailangan Mo Ako, ang teleserye nila sa ABS CBN.
Hindi kumakain ng karne si Robin dahil Muslim siya.
SCENE: Dumarami ang mga reklamo laban sa nanay ni Louise delos Reyes dahil sa kanyang ugali. Nakakaapekto sa career ni Louise ang inaasal ng kanyang ina na ikinadidismaya ng mga katrabaho niya.
- Latest