Aiai emosyonal pa rin sa pakikipaghiwalay sa dalawang anak
Kamakailan ay nagpunta sa Amerika si AiAi Delas Alas para asikasuhin ang kanyang mga anak na nandoon. “Kaya ako nasa America kasi ‘yung dalawa kong anak dun na muna. Si Shopia dun mag-aaral, si Nicolo papasok sa Airforce,” bungad ni AiAi.
Wala naman daw problema sa aktres ang pamamalagi ng kanyang mga anak sa US kasama ng amang si Miguel Vera. “Kasi gusto ko meron silang option kapag naging US citizen na sila. May option sila kasi uso naman ang dual citizenship. Meron silang option kung gusto nila rito o gusto nila dun at least meron silang fall back,” paliwanag ng Comedy Queen.
Naikuwento rin ni AiAi na matagal na raw nilang napag-usapan ng kanyang mga anak ang tungkol dito. “Three months ago, dinesisyunan ko na ito. Naiwan na sila roon, ‘di ko na ipinaalam sa publiko. Emosyonal hanggang ngayon lalo na ‘yung bunso kasi only girl ko ‘yun at sanay siya rito (Pilipinas). Ang sabi ko sa kanya, okay lang ‘yan, magiging maganda rin ‘yan for you. Magiging independent ka and alam ko magiging maganda ang future nila in case maging citizen sila,” giit pa ng aktres.
Naiwan daw sa Pilipinas ang panganay na anak na si Sancho dahil over-aged na raw ito. “Hindi na siya umabot eh, 21 na eh. ‘Yung dalawa lang umabot, si Nicolo 18, si Shopia 16. Immigrant kasi si Miguel eh so noon pang 2005 pinetisyon sila eh. Luka-luka ako, ‘di ko sila pinayagan so ngayon na lang ulit,” pagtatapat ni AiAi.
Anne maraming kakaibang karanasan sa ginawang indie film
Mahigit isang buwan na ngayon mula nang ginawa ni Anne Curtis ang indie film na Blood Ransom sa California. Hanggang ngayon daw ay halos hindi pa rin daw makapaniwala ang aktres sa kanyang naranasan doon.
Marami raw natutunan si Anne sa kanyang naging trabaho sa nasabing pelikula. “Marami silang say sa ginagawa nila. I like that the director gives us the freedom to do what we want. You have to know what you’re talking about, what your scenes are, your character. Kasi kapag ‘yung co-actor mo nagsabi na ‘I think my character would be doing this’, kailangan may sagot ka. It’s good to be around people who are that inspired about acting,” nakangiting pahayag ni Anne.
“It was a different world and experience. It was so much fun working with amazing people. The director, Francis Dela Torre, our cinematographer Jasmine Kuhn, and then we have our producer Barclay DeVeau who’s so nice. The whole crew and my co-actors were so nice to me. There, I’m a nobody. We’re all starting from scratch. It was so good to be working with people na starting din sa industry doon,” dagdag pa ng dalaga.
Sa ngayon ay nasa post production stage na raw ang nasabing pelikula at excited na rin si Anne kung ano ang kalalabasan nito.
-Reports from James C. Cantos
- Latest