^

PSN Showbiz

'Sobrang sakit' - Angelika

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Excited si Jennylyn Mercado na nagkukuwento sa amin na tuwang-tuwa siyang nakasama si Roderick Paulate sa bagong talk show na H.O.T TV.

Sa pictorial pa lang sila nagkasama, enjoy na enjoy na siya at wala silang ginawa ni Regine Velasquez kundi ang tumawa nang tumawa.

“Ang saya pala niyang kasama. Ang kulit niya, kaya enjoy talaga ako,” pahayag nito.

Nalungkot siya sa pagtatapos ng Showbiz Central dahil mami-miss niya naman sina John Lapus at Pia Guanio. Pero mukhang mababawi naman ni Roderick na kaagad niyang nakapalagayan ng loob.

PAK: Hanggang sa ngayon ay umaasa pa rin si Angelika Jones na babalikan siya ng lalaking nakabuntis sa kanya.

Nakahanda na ang wedding gown na ipinagawa niya at naka-schedule na sila ng Jan. 8. Pero apat na buwan na palang hindi nagpapakita at hindi siya kinakausap ng boyfriend niya.

Kung sakaling bumalik ito sa kanya, tatanggapin niya dahil gusto naman niyang may makila­lang ama ang kanyang anak.

Sabi pa ni Angelika, “Sobrang sakit ng ginawa niya sa akin pero siyempre pang-unawa dapat ang kailangan dahil para sa anak namin. Magpakababa ako, magpapatawad ako dahil sa anak namin.

“Nung una masakit, parang nakakahiya na mala­man ng mga kababayan ko na nabuntis ako. Pero iniisip ko na lang na it’s a blessing.”

BOOM: Pagkatapos sumakabilang-buhay ni Dolphy, nagpahayag si Eddie Garcia na nakahanda na rin siya kung ano ang mangyari sa kanya.

Pero tinitiyak ng magaling na actor-director na walang makakaalam kung ano ang nangyari sa kanya.

“One of these days, siguro susunod na rin ako kay Dolphy ’di ba?

“Pero hindi n’yo malalaman. ’Pag namatay ako, gusto ko tahimik lang. From death bed, diretso sa crematory, ’tapos isasaboy na ’yung abo ko sa dagat.

Si Eddie ang bida sa pelikulang Bwakaw na entry ni Jun Lana sa Director’s Showcase ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

ANGELIKA JONES

CINEMALAYA PHILIPPINE INDEPENDENT FILM FESTIVAL

DOLPHY

EDDIE GARCIA

JENNYLYN MERCADO

JOHN LAPUS

JUN LANA

PERO

PIA GUANIO

REGINE VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with