Sikat na aktor nairita sa pretensiyosang asawa ng ambassador
Nakakaloka ang karanasan ng isang sikat na aktor na nagkaroon ng raket sa ibang bansa.
Nalaman ng Filipino community sa bansa na pinuntahan ng aktor ang pagdating nito kaya naghanda sila ng dinner.
Imbitado sa dinner ang Pinoy ambassador at ang misis nito. Naloka ang sikat na aktor nang magkaharap sila ng asawa ng ambassador dahil nag-dialogue ito ng “What’s your name?”
Obvious na nagpanggap ang misis na hindi nito kilala ang sikat na aktor. Naging polite ang aktor pero iritang-irita siya sa pagpapanggap ng asawa ng ambassador. Kinabukasan, hindi na pumayag ang aktor na siputin ang another invitation sa dinner para hindi na maulit ang nangyari.
Marami sa mga kababayan natin na nasa ibang bansa ang kapareho ng ugali ng misis ng ambassador. Kaligayahan na nila ang mag-pretend na hindi kilala ang artista pero deep inside, excited at starstruck.
Ganyang kaipokrita ang mga Pinoy na papansin at pasosyal pero numero unong tagahanga ng mga artista.
Douglas at Dolphy mimisahan para sa kanilang birthday
Bukas ang 68th birth anniversary ni Douglas Quijano kaya makakaroon ng misa ngayong hapon sa Imperial Palace Suites.
Ang PAMI ang sponsor ng misa at siyempre, dadalo ako sa pamisa para sa aking namayapang bestfriend. Hindi ko lang alam kung sisipot sa misa ang mga alaga ni Douglas na matagal ko nang kinukulit na magpamisa para sa death anniversary ng kanilang manager na namatay noong June 13, 2009.
Every year, naghihintay ako ng tawag mula sa mga alaga ni Douglas pero wala akong natatanggap tuwing June bilang paggunita sa araw ng kanyang kamatayan.
Bukas din ang 84th birth anniversary ni Mang Dolphy at magsasama-sama ang pamilya niya sa dinner na inihanda ng isang tao na malapit sa kanya.
Saka ko na sasabihin ang name ng may pa-dinner para hindi siya kulitin ng mga gustong magpa-imbita. Baka kasi by invitation ang dinner kaya ayokong pangunahan ang desisyon ng host.
Isang bagay ang sigurado, dadalaw bukas ang kanyang pamilya sa puntod ni Mang Dolphy sa The Heritage Park para gunitain ang kanyang kaarawan.
Puwedeng dumalaw sa puntod ni Mang Dolphy ang fans pero dapat muna silang tumawag sa opisina ng The Heritage Park para sa oras ng pagbisita. Hindi ipinagkakait sa fans ng naulilang pamilya ni Mang Dolphy na dalawin nila ang libingan ng King of Comedy.
Regine kabado sa H.O.T
Totoo ang tsismis na pumayat na si Regine Velasquez dahil nabawasan na ang kanyang timbang nang umapir siya kagabi sa presscon ng H.O.T. TV, ang showbiz talk show na ipapalit sa Showbiz Central.
Marami ang naniniwala na kayang-kaya ni Regine na maging host ng isang talk show dahil natural ang pagiging comedienne niya. Normal lang na kabahan si Regine dahil mas sanay siya na kumanta kesa maging host ng isang talk show.
Sa darating na Linggo ang last airing ng Showbiz Central. May mga nagsasabi na nalulungkot si John Lapus pero hindi halata na sad siya sa show nila noong Linggo.
Mami-miss ko at ng televiewers ang Don’t Lie To Me Segment na pinasikat ni John. Isa ang DLTM sa mga inaabangan na segment sa Showbiz Central dahil gustung-gusto ng manonood na inihahagis sa ere si John.
- Latest