Sylvester Stallone humiling ng katahimikan para sa anak na kalilibing lang
LOS ANGELES — Nagluksa ang pamilya at mga kaibigan sa private funeral ng anak na lalaki ni movie star Sylvester Stallone nung Sabado, isang linggo makaraang matagpuang patay sa bahay nito sa Los Angeles, California.
Ang celebrity websites na TMZ.com, People.com, at iba pa ay naglabas ng litrato ng Rocky at Rambo star habang nasa libing ng kanyang 36 anyos na anak na si Sage Stallone na natagpuang patay noong Hulyo 13.
Hindi pa mabatid ang sanhi ng pagkamatay ni Sage bagaman patuloy itong iniimbestigahan.
Tumanggi ang aktor na magbigay ng pahayag kaugnay sa libing ng kanyang anak pero hinihiling niya sa media at sa publiko na “to have my son’s memory and soul left in peace.”
Si Sage ang bunso sa dalawang anak na lalaki ni Sylvester sa una niyang asawang si Sasha Czak. Nagdiborsiyo sila noong 1985. Nagkaroon din ng tatlong anak si Stallone sa pangatlo niyang asawang si Jennifer Flavin.
- Latest