^

PSN Showbiz

Songbird balik-PP!

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Magtitipon-tipon ngayon ang mga sikat na Kapuso star sa supreme concert party ng Party Pilipinas ngayong Linggo.

Magpapasimula sa party sa kanilang grand opening number sina Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, Rachelle Ann Go, Mark Bau­tista, La Diva, Jolina Magdangal, Janno Gibbs at Ogie Alcasid. Makakasama nila ang mga pinakamaiinit na kabataang concert performer na sina Elmo Magalona, Frencheska Farr, Krizza Neri, Kris Lawrence at Julie Ann San Jose.

Panoorin din sa kanilang magagandang kasuotan ang mga Kapuso prime drama actress na sina Heart, Rhian, Kris, Glaiza, Jackie at Jennylyn habang magbibigay din ng aliw sa mga manonood ang mga premiere actor na sina Aljur, Geoff, Sid Mark, Rocco at Dennis.

Magkakaroon naman ng tuloy-tuloy na sayawan ang best movers at body shaker ng bansa na sina Julian, Diva, Yassi, Wynwyn, Mayton, Enzo at Sef. Dagdag pa rito ang paghataw ng mga hottest hunk na sina Mike Tan, JC Tiuseco, Will Devaugn at Luis Alandy. Magpapainit din sa entablado ang performance ng mga sexy Kapuso ladies na sina Sam, Rochelle, Bianca, Bela, Jackie at Solenn.

Dagdag pa sa masigabong enerhiya ng malaking pagtitipon ng mga superstar ang pagtatanghal ng Generation Superstars na sina Benjamin, Kylie, Alden at Louise kasama sina Tween supestars Kristoffer, Lexi, Joyce, Jake, Derrick at Bea.

Abangan din ang most treasured artists ng Pili­pinas na sina Director Ricky Davao, Roderick Pau­late, Director Gina Alajar, Jolina Magdangal at Phillip Salvador na makakasama sa paglulunsad ng Pinoy-original reality artista search na Protege: The Battle for the Big Artista Break!

BIG ARTISTA BREAK

DAGDAG

DIRECTOR GINA ALAJAR

ELMO MAGALONA

FRENCHESKA FARR

JOLINA MAGDANGAL

KAPUSO

SINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with