^

PSN Showbiz

Vi bibilang na naman ng taon bago uli magka-pelikula

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - The Philippine Star

Lungkot na lungkot sa last shooting day ng The Healing si Gob. Vilma Santos dahil mami-miss naman nito ang pagiging artista.

 Bibilang na naman siya ng ilang taon bago gumawa uli ng pelikula. Ngayon ay nakatutok na naman ang star for all season sa pagi­ging isang public servant.

First horror movie ito ni Vilma at pangarap din pala ni Gob. Vi na makalabas sa indie film.

TV5 primetime viewing, inilunsad

Bonggang paglulunsad ang gina­wa ng TV5 sa primetime shows nila na kinabibilangan ng Third Eye, En­chanted Garden at Artista Aca­demy.

Nang ipakilala ang mga artista ng tatlong bagong programa, si BB Gandanghari ang umani ng malakas na palakpakan na kasama sa Enchanted Garden. Talyadang-talyada kung tumayo ito sa entablado na akala mo ay isang tunay na babae.

Mag-uumpisa nang mapanood ang Enchanted Garden sa Lunes.

The Dictator nakakatawa

Sa July 25 ay palabas na ang The Dictator ng Solar-UIP. Kahit isa itong political satire, nakakaaliw ang pelikula at puno ng katatawanan. Gagampanan ni Sacha Baron Cohen ang katauhan ni Gen. Aladeen kung saan sa murang edad matapos ang kamatayan ng ama ay naging trusted adviser nito ang kanyang Uncle Tamir na naging Chief of Security. 

vuukle comment

ALADEEN

ARTISTA ACA

BIBILANG

CHIEF OF SECURITY

ENCHANTED GARDEN

SA JULY

SACHA BARON COHEN

THIRD EYE

UNCLE TAMIR

VILMA SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with