^

PSN Showbiz

Ruffa ayaw makisawsaw

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

Naging negatibo ang dating sa press ng ginawang pag-alis ni Ruffa Gutierrez sa bonggang launching ng TV5 ng kanilang mga bagong programa. Excited pa naman ang lahat na makausap siya tungkol sa naging kaganapan sa burol ni Dolphy involving her mom Annabelle Rama and one movie writer. Hindi naman natin masisi si Ruffa kung umalis siya para umiiwas na mapag-usapan ito. After all, hindi naman siya ang involved kundi ang madir niya. Kaysa nga naman makapagsalita pa ng hindi maganda, exit na lang siya agad.

Kung nagpa-interview pa siya ay baka may masabi siyang hindi maganda tungkol sa kanyang ina o sa nakaaway nito. Kaya tama lang na quiet na lang siya. 

Movie nina Coco at Marian, magsisimula na ang shooting

Hay, salamat naman at matutuloy din ang pelikula nina Marian Rivera at Coco Martin na akala ko ay shelved na. Sayang kako dahil bagong tambalan sila. Siguradong aabangan ng marami fans man nila o hindi.

Mabuti naman at naisip ng Regal ang kahalagahan ng tambalan kaya sinabihan na nila si direk Maryo J. delos Reyes na simulan na ang pelikula na may pamagat na Hanggang Ngayon na sisimulan na ang shooting sa mga unang araw ng Agosto.

Grace namamangka

Nakuha na rin pala ng TV5 si Grace Lee, what else is new? For the longest time, Kapuso ang Koreana, pero sabi ko nga baka nakakita ito ng room para mag-improve pa sa kabilang bakuran, so good luck na lang sa kanya. Kung sabagay, nagpaalam naman daw si Grace sa Kapuso Network dahil meron nga naman siyang dalawang programang tumatakbo, ang Cooking With The Stars at ang Balitanghali.

Kaya ngayon, mamangka siya sa dalawang istas­yon.

ANNABELLE RAMA

COCO MARTIN

COOKING WITH THE STARS

GRACE LEE

HANGGANG NGAYON

KAPUSO NETWORK

KAYA

MARIAN RIVERA

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with