^

PSN Showbiz

Derek 'galit' pag pinag-uusapan ang TF

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Sensitive pa rin si Derek Ramsay ‘pag tungkol sa talent fee niya sa TV5 ang tinatanong. Nag-react ito sa tweet ni Rico Robles asking for his tf at kahit maiksi ang sagot : “That’s not cool man” at “Don’t sweat it,”  obvious na hindi nagustuhan ang tanong.

Hindi namin nabasa ang tanong ni Rico dahil he deleted his tweet. In fairness, to him, nag-sorry siya kay Derek. In-explain din nitong para sa segment sa radio show niya sa Monster Radio RX 93.1 ang tanong at wala siyang intensiyong siraan si Derek dahil idol niya ito at bilib siya na magko-cover ito ng London Olympics.

Sa presscon ng TV5 for Derek, hindi rin nito sinagot ang tanong tungkol sa tf, but in fairness, hindi siya nagalit sa nagtanong.

JM aminadong napunit sa Intoy…

Ang lalim ng sagot ni JM de Guzman sa tanong kung ano ang ipinakita niya sa Intoy Syokoy ng Kal­ye Marino dahil si LJ Reyes, may boobs exposure. Ini-expect naming “abs o katawan” ang isasagot ni JM, pero iba ang sinabi. “First time kong mahubaran emotionally at nangyari ito sa shooting ng Intoy Syokoy. Sobrang punit ako, sobrang affected at ang tagal kong naka-recover, two weeks pa bago ko nakalimutan ang kakaibang experience nang gawin ang pelikula. Sobrang taas ng tingin ko kay Intoy dahil kahit ano ang nangyayari sa kanya, he keeps on moving forward,” wika ni JM.

Nabanggit ni JM na nang unang ilapit sa kanya ang project, hindi niya maintindihan, pero ipinaintindi sa kanya ang karakter nito. Wala raw identity si Intoy at kaya may syokoy sa name nito dahil laging nilulunod ang sarili sa problema.

Sobrang thankful si JM kina Boy Abunda at sa dalawa pang producers ng pelikula sa tiwala sa kanya. Akala niya simpleng pelikula lang ito, pero habang nagsu-shooting, nagsi-sink in sa kanya kung anong klaseng tao si Intoy.

Sa direction ni Lem Lorca, at script ni Jerry Gracio, Gala Night ng Intoy Syokoy mamaya, 6:15 p.m., sa Main Theater ng CCP.

Samantala, ibinalita ni JM na nagwu-workout at nagti-training siya dahil gustong magka-abs at ti­na-target na mapasama sa Cosmo Bachelors ng Cosmo. Nagbo-boxing at kickboxing siya sa condo na lang niya dahil kompleto siya ng equipment.

Snooky malusog ang hitsura

Hindi naman siguro magagalit sina Ricardo Cepeda at Marina Benipayo sa nabanggit ni Snooky na nagsasama na silang dalawa. Hindi live-in, kundi “they’re together” ang ginamit na word ng aktres at “mga anak ni Marina ang nakatira kay Ricardo” bilang sagot sa tanong kung na kay Ricardo ang mga anak nila.

Kasama niya sa bahay ang 19-year-old eldest niyang si Sam at ang 15-year-old na si Saachi. Parehong ayaw ng mga anak na mag-artista, si Sam, second year European Studies student sa La Salle at Dean’s Lister, si Saachi ay fourth year high school sa isang Montessori school at honor student.

Maraming pinakawalang one liner si Snooky isa na ang “I would rather lose my man than lose my soul.” Inamin din nitong she’s 46 years old, pero wala sa hitsura dahil maganda pa rin, medyo malusog lang, pero nagpapapayat daw siya.

Balik-pelikula si Snooky sa Hanggang Ngayon ng Regal Entertainment, kung saan, muli siyang pumirma ng kontrata sabay nang pagpirma ng kontrata sa Growl Entertainment nina Girlie Rodis, Roselle Monteverde-Teo at Leo Dominguez.

Bida sina Marian Rivera at Coco Martin sa nabanggit na pelikula sa direction ni Maryo J. delos Reyes. Sabi ni Mother Lily, bago matapos ang July ang shooting, sabi naman ni direk Maryo, sa August 4, ang first shooting day. 

Jennylyn buong linggong nasa TV

Na-tweet ni Jennylyn Mercado na may pictorial siya kahapon para sa Bench Body, so, siya ang la­test endorser nito at siguro naman, isa sa mga ra­rampa sa two-night fashion show ng Bench. Gaano kaya siya ka-sexy sa nasabing pictorial?

Samantala, magsisimula na sa Monday, July 23, ang Inside Protégé na si Jennylyn ang host.

Kapag nag-air na ang Protege, twice mapapanood in one day si Jennylyn at Sunday to Friday siya nasa TV. Sa August 5, pilot naman ng H.O.T. TV, kung saan, isa rin siya sa mga host.

vuukle comment

DAHIL

DEREK

INTOY

INTOY SYOKOY

JENNYLYN

NIYA

SIYA

SNOOKY

SOBRANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with