^

PSN Showbiz

P1 M na relos ni Gerald muntik nang maagaw

- Veronica R. Samio - The Philippine Star

Muntik na palang ma-snatch ang Rolex na relo ni Gerald Anderson nang pumunta ito ng London kamakailan kasama ang namumuno na Star Magic at ilang talents para sa ilang palabas ng ABS CBN.

Sa kuwento ng aktor, sa ikalawang araw nila sa nasabing lugar nagdesisyong magshopping ni Gerald sa isang malaking mall. Naghihintay na ito ng bus na masasakyan makatapos siyang mamili nang maisipan niyang tingnan ang oras. Dun niya napansin na malapit na pala itong mahubad ng isang maitim at mas malaki sa kanyang lalaki. Sa galing ng magnanakaw ay muntik na nitong matanggal ang kanyang relo nang hindi niya nararamdaman. 

May kasamang isa pa ang snatcher na matapos silang magkatinginan ay nagpasyang tumalilis na. Kung natangay ang relo niya malamang nagkaroon pa ng habulan dahil hindi papayag si Gerald na manawalan ng relo na nagkakahalaga ng kulang-kulang sa P1M.

Sa laki ng premyo, aa isang season lang eere!

Sino ba ang makakatanggi sa alok ng TV5 na gagawin kang artista bibigyan ka pa ng P20M?

Sa panahon ba namang ito na ang dami-daming naghihirap, at baka minsan lamang kumain sa isang araw, hindi ba sagot na sa isang napakaimposibleng panalangin sa sinumang kabataan hindi lang ang P20 milyon, makapag-aaral pa sila na ang posibilidad ng pagkakaroon ng isang masaganang buhay ay napakalawak.

Isang napakagandang pagkakataon ang iniaalok ng TV5  sa bago nilang reality search, ang Artista Academy, ang kauna-unahang artista search sa telebisyon na  nagbibigay ng totohanang artista training sa Asian Academy of Television Arts (AATA) na kung saan lahat ng magtatapos ay  magiging certified professional actors na magagamit para sa kanilang pagpasok sa showbiz.

Mahigit 12 libo ang sumubok mag-audition sa pinakamalaking event na ginanap sa Smart  Arane­ta. Mga 300 ang pumasa, bababa pa ang bilang nito sa 16 na kabataan, walong lalaki at walong babae. 

Sasabak ang 16 sa isang comprehensive training sa ilalim ng pinakamagagaling na pangalan sa  local showbiz , tulad ni direk Joel Lamangan, music master Louie Ocampo, at dance guru Georcelle.

Ang Artista Academy ay nasa ilalim ng direksiyon ni Mac Alejandre na siya rin namumuno ng TV5 Talent Center. Magtutulungan sila ng AATA head na si Wilma Galvante.

Bukod sa P20M (10 million each) na ang live exam ay idya-judge nina Gelli de Belen, Mac Alejandre, at Lorna Tolentino at tatawaging Best Actor at  Best Actress, ia-assign din ang dalawa sa mga pangunahing programa ng TV5, lalo na sa mga teleserye.

Isang season lang tatakbo ang search na magsisimula na sa July 30.

Eula  ginawang bida

Isang araw bago mapanood ang Artista Academy, ilulunsad naman ang Third Eye, isang mala-malignong panoorin sa makabagong panahon. Magiging pambatong palabas ito tuwing Linggo ng gabi ng TV5 na magtatampok sa prinsesa ngTV5 na si Eula Caballero sa kanyang first starring role.

Napakasuwerte ng winner na ito sa naunang reality search ng network dahil malalaking pangalan ang susuporta sa kanya, tulad nina Lorna Tolentino at Eddie Garcia. Makakasama rin niya sina Daniel Matsunaga, Victor Silayan, Clint Gabo, at Jenny Miller.

Ang serye ay pagtutulungang idirek nina Topel Lee, Robert Quebral, Benedict Mique, at Rahyan Carlos.

Kung masuwerte si Eula Caballero sa pagbibigay sa kanya ng mga sikat at magagaling na artista bilang suporta, ganundin si Alex Gonzaga na bida naman sa eco-fantaseryeng Enchanted Garden na magbibigay sa mga manonood ng TV ng front seat pagtutunggali ng good evil. Ituturo rin sa manonood ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan ng hindi nila mararamdaman na tinuturuan sila, manapa’y inaaliw sa pamamagitan ng isang kasiya-siyang programa na paano bang hindi mapapaganda kung tatlo tatlong direktor ang magtutulung-tulong para ito mabuo – Joel Lamangan, Bb. Joyce Bernal, at Eric Quizon.

Magsisimula na rin ito sa July 30, kasabay ng Artista Academy.

ALEX GONZAGA

ANG ARTISTA ACADEMY

ARTISTA

ARTISTA ACADEMY

EULA CABALLERO

ISANG

JOEL LAMANGAN

LORNA TOLENTINO

MAC ALEJANDRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with