^

PSN Showbiz

Annabelle war freak?!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - The Philippine Star

Ikaw talaga Mama Annabelle, dapat siguro kontrolin mo ‘yang init ng ulo mo. Tuloy nalalagay ka sa alanganin. Mas napasama pa ang image mo ga­yung ang layunin mo lang naman  ay makiramay sa mga naulila ni Dolphy.

Tutal naman nakapag-demanda ka na, dun na lang hintayin na mailabas ang galit mo. Pero payo ulit, huwag kang war freak. Lagi mong tatandaan ang pamilya mo, sila ang nagdadala at nagdurusa sa mga pinaggagagawa mo. Maski na si Eddie (Gutierrez, her husband).

Matiis mo man ang pinagsasabi ng marami tungkol sa iyo, pero ang higit na nasasaktan ay ang mga anak mo.

Juday gustong makita ang developments ng mga anak

Habang bata pa si Juday, gusto na niyang masundan na si Baby Lucho. Mabilis ang paglaki nito at makulit na kaya alam niyang matatanggap na nito ang nagkaroon ng mas nakababatang kapatid.

Hindi nakapagtataka kung bakit mas gusto ni Juday ang tumigil ng bahay at asikasuhin ang mga anak niya. Mabils ang paglaki ng mga ito, gusto niyang kasama ito sa kanilang paglaki.

Ayaw niyang ma-miss ang kahit saglit sa growth nila. ‘Yung time niya with them ang maituturing niyang pinakamasayang oras niya.

Sarah dapat nang magpaka-mature

Magagalit pa ba naman ang nanay ni Sarah Geronino sa mga pinagsususuot nito sa  kanyang latest concert?! Kung tutuusin ay napaka-wholesome na ng mga ito. For a concert tama lang ang mga dinisenyo sa kanyang damit.

Balita kasi na type ni madir na pagsuotin ng ibang damit ang pop princess sa kanyang repeat. Eh kung okay kay Sarah, eh ‘di sige. Pero kung ako siya hahayaan ko namang maging iba ang image ng kanyang anak kapag nagpi-perform.

Para malaman din ng publiko na mature at dalagang-dalaga na siya.

vuukle comment

ANNABELLE

AYAW

BABY LUCHO

DOLPHY

EDDIE

HABANG

JUDAY

PERO

SARAH GERONINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with