^

PSN Showbiz

Annabelle at Amalia, muntik magpang-abot sa korte

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Puring-puri ng Aurora Cong. Sonny Angara si Gerald Anderson dahil sa ipinagpatuloy pa rin nito ang kanyang pag-aaral kahit napaka-hectic na ng schedule nito.

Edukasyon ang isa sa mga advocacy ni Cong. Angara kaya puring-puri niya ang mga artista gaya ni Gerald na gusto talagang makapagtapos nang pag-aaral.           

Isa nga sa program ng DepEd ang Home Study na ginagawa ni Gerald, at umaasang makapagtapos ito sa kanyang pag-aaral.

Isa si Gerald sa nakisaya sa 40th birthday ni Cong. Angara na sinilebrayt nila sa Manila Boys Town sa Marikina.

PAK: Marami na ang naiintriga sa sweetness nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Obviously, na-develop ito sa taping ng drama series nilang Makapiling Kang Muli.

Matagal na palang break si Richard sa non-showbiz girlfriend niya kaya puwede talaga kung nililigawan na nga nito si Sarah.

Marami pa ang nakapansin sa dalawa nang magkasabay sila sa Party Pilipinas nung Linggo na ang sweet daw na nagkukuhaan ng litrato sa kanilang Instagram.

BOOM: Hindi nagkita sina Annabelle Rama at Amalia Fuentes sa hearing ng kasong Libel na isinampa ng huli sa una.

Ayon sa ilang crew ng mga TV shows na nag-cover sa naturang hearing, nauna raw dumating si Amalia sa tanggapan ng piskalya sa QC Prosecutor’s Office.

Pagdating daw ni Tita Annabelle, hindi na raw ito tumuloy sa pag-akyat.

Hanggang sa may lobby lang daw ito ng Quezon City Hall of Justice at ilang sandali lang, umalis na rin ito.

Dapat ay magsusumite raw ito ng kanyang counter-affidavit. Hindi lang namin alam kung naisumite ba niya ito sa prosecutor’s office.

vuukle comment

AMALIA FUENTES

ANGARA

ANNABELLE RAMA

AURORA CONG

GERALD ANDERSON

HOME STUDY

ISA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with