^

PSN Showbiz

Richard tuloy na sa pelikula ni Ping Lacson

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Nababasa namin sa timeline ng Twitter account ni Richard Gutierrez (supporters niya yata ang may hawak dahil wala siyang Twitter at Instagram lang meron ang actor) ang The Ping Lacson Story at abangan daw ang pelikula.

Totoo kung ganu’n ang tsikang sa bagong bioflick ni Sen. Ping Lacson, si Richard ang gaganap sa role ng senador. May isa pang aktor na napili ang mga taong nasa likod ng project na gumanap sa role ng senador, obviously, si Richard ang final choice.

Kung kailan gagawin ni Richard ang pelikula, wala pang balita.

Kapag naiinterbyu, laging sinasabi ni Ri­chard na gusto niyang gumawa ng pelikula this year, mukhang ang The Ping Lacson Story  ang matutuloy.

Sana, matuloy din ang isa pang project na pagsasamahan nila ng isang maganda at sikat na aktres. 

Dennis ayaw makatrabaho ang mga ex

Isa uling indie film ang sunod na gagawin ni Dennis Trillo after Ang Katiwala na entry sa New Breed Full-Length Feature category ng Cinemalaya sa direction ni Aloy Adlawan. Ito ay ang Sapi sa direction ni Brillante Mendoza.

Kung sa Ang Katiwala ay kinunan ni direk Aloy ng nine days, sa Sapi, laging on call ang schedule ni Dennis dahil kung saan may nasasapian, saka sila magsu-shoot. Kinakabahan, pero excited si Dennis to be working with direk Brillante at sa kakaibang tema ng pelikula.

Bilang paghahanda sa role niyang movie director sa Sapi, nag-immersion siya sa Phillipine Information Agency para alam ang gagawin at para malaman ang lengguwahe ng mga director at magkaroon ng experience.

“Kay Aloy, natuwa ako sa nalamang ako ang nasa mind niya nang isulat ang script ng Ang Katiwala, dito kay Brillante, kinabahan ako dahil first time ko siyang makakatrabaho. Nabuhay tuloy ang kagustuhan kong makapag-direk ng pelikula,” sabi ni Dennis.

Pero nang tanungin kung siya sa mga ex niya, halimbawa Cristine Reyes at Rayver Cruz, Carlene Aguilar at Yo Ocampo at Jennylyn Mercado at Luis Manzano ang gusto niyang idirek, hindi pumili dahil mahirap daw sumagot. Si Ronnie Laza­ro ang gusto niyang idirehe dahil nagalingan siya sa aktor na kasama sa Ang Katiwala.

Samantala, sa July 25 (Wednesday), 6:15pm., sa CCP Main Theater ang Gala Night ng Ang Katiwala. May screening ang movie sa Greenbelt Cinema, Trinoma at CCP.

 

Magaling na direktor, walang inggit sa ‘anak ng diyos’

“Anak siya ng Diyos” ang tawag ng isang maga­ling na director (MD) sa kapwa director na kahit matagal mag-shooting, hindi pa rin namememohan ng film company, kung saan siya nakakontrata. Hindi gaya niya na may time table ang shooting at kailangang tapos ang pelikula kahit anong mangyari.

Kunwari naiinggit si MD sa director na tinawag niyang anak ng Diyos dahil hindi kailangang magmadali at can afford sa one or two sequences na kinukunan a day.

Anyway, masaya si MD sa mga project niya nga­yon at sa producers na kumukuha sa kanya dahil hindi siya nai-stress kaya napapaganda nang husto ang pelikula.

 

Kristoffer ibinuko ni Yassi

Naloka si Kristoffer Martin kay Yassi Pressman dahil ‘yung ayaw niyang sabihin sa press na makakahalikan sa Luna Blanca, pinangalanan at ‘yun ay walang iba kundi siya. Si Yassi ay si Kate, singer-actress at  ka-love team ng heartthrob na si Joaquin (Kristoffer).

Kahit smack kiss lang ‘yun, big deal pa rin kay Yassi dahil first screen kiss niya. Wala raw maga­galit sa parte niya dahil wala siyang BF at tiniyak na walang dapat ipagselos ang ka-MU ni Kristoffer na si Joyce Ching.

  

vuukle comment

ALOY ADLAWAN

ANG KATIWALA

BRILLANTE MENDOZA

CARLENE AGUILAR

CRISTINE REYES

DAHIL

KRISTOFFER

PING LACSON STORY

SAPI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with