Ang Hari ng Komedya sa likod ng kamera kikilatisin
MANILA, Philippines - Kilalanin ang yumaong Comedy King na si Dolphy sa mata ng kanyang mga tagahanga, katrabaho, kaibigan, at mahal sa buhay sa isang espesyal na report ni Apples Jalandoni ngayong (July 17) ng gabi sa Patrol ng Pilipino.
Silipin ang makulay na buhay ni Mang Pidol sa likod ng mga pinasikat na karakter na kanyang ginampanan mula sa paggunita ni ABS-CBN president Charo Santos-Concio, na naging katambal niya sa pelikulang My Juan and Only, at mula kay Gio Alvarez, isa sa mga gumanap niyang anak sa Kapamilya sitcom na Home Along Da Riles.
Sulyapan din paanong nakitaan na ng talento at potensyal ang komedyante sa panayam sa pinakamatandang nabubuhay na empleyado ng Manila Grand Opera House, kung saan dati’y nagtitinda lamang ng mani at butong pakwan si Dolphy hanggang sa ma-discover at naging performer sa entablado.
Bukod pa riyan, makakapanayam din ni Apples ang manugang, kumare, at mga kapitbahay sa Tondo kung saan siya ipinanganak at nanirahan kasama ang kanyang unang pamilya.
Samantala, iimbestigahan ni Dominic Almelor ang umano’y ‘ghost employees’ sa Quezon City hall na kasama raw sa opisyal na listahan ng mga manggagawa at nasuwelduhan noong taong 2010 ngunit hindi naman mga totoong empleyado o kaya’y gawa-gawa lamang ang pangalan. Kamakailan lang, sinuspinde ng Ombudsman ang apat na konsehal ng lungsod kabilang ang aktor na si Roderick Paulate dahil umano sa pagkuha ng mga ghost employee sa kanilang mga tanggapan.
- Latest