^

PSN Showbiz

Pataasan ng offer ang labanan, TV networks nag-uunahan sa mga pelikula ni Dolphy

- Veronica R. Samio - The Philippine Star

Maganda ’yung plano ng TV5 na magkaroon ng Dolphy filmfest sa kanilang network. Pero hindi ito kasing dali ng inaasahan nila dahil may mga nagma-may-ari na ng maraming pelikula ng namayapang komedyante. At hindi biro ang halaga ng gagamitin para ma-acquire ang mga nasabing pelikula. I’m sure hindi solo ng Kapatid Network ang intensiyon na bigyan ng tribute si Dolphy, kaya kung hindi sila mag-uunahan sa paghahanap ng mga pelikula nito ay magpapataasan sila ng offer para makuha ang mga ito.

Sa aking pamamasyal sa SM Sta. Rosa sa Laguna nung Linggo kasama ang aking mga apo, may ginanap din dun na Dolphy filmfest. Sa isang bahagi ng unang palapag nito ay naglagay ng isang parang stage na kung saan marami ang nanood ng mga palabas sa TV ni Dolphy nung nasa Kapamilya Network pa ito. John en Marsha ang nakita kong ipinapalabas.

Halos puno ang lahat ng silyang inilagay sa harap ng stage.

LJ Reyes nag-sorry nang ibuyangyang kay JM ang boobs

Aware naman si LJ Reyes na hindi lamang pag­huhubad ang ginawa niya sa indie film na Intoy Syokoy sa Kalye Marino, isang entry sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2012. Matitindi ang mga love scenes nila ng kapareha niyang si JM de Guzman at maging sa dalawa pang artistang lalaki sa movie. Bilang isang prostitute, na-in love siya sa kanyang role kung kaya nawala na ang kanyang hiya sa pagganap ng kanyang role.

Nabalita na dating na sa isang matinding love scene nila ni JM ay bigla siyang tumayo matapos makunan ang kanilang eksena at nakalimutan niya na hubad pala siya sa itaas. Siya pa ang napahiya nang mapa-“uy!” ang kanyang kapareha nang lumantad ang malulusog niyang dibdib. Humingi na lang siya ng dispensa kay JM.

Dahilan sa ipinamalas niyang professionalism, muling kukunin ni Boy Abunda ang kanyang serbisyo. Ang TV host ang producer ng ginagawa niyang pelikula.

Hindi pinoproblema ni LJ ang ginawa niyang eksena. Alam niyang hindi magagalit si Paulo Avilino.

Walang sinisino Direk Chito nasigawan si Vilma

Wala namang sinisino si Direk Chito Roño sa kanyang mga artista. Hindi dahilan ang pagiging sikat ng kanyang mga artista para ma-spare sila sa kanyang galit at masigawan kapag nagkamali sila at magawa ang kanyang hinihingi.

Ito ang pinaka-aayaw niya, ang dumating ng kanyang set ang mga artista nang hindi sila nakahanda. Memorized nga ang lines nila pero hindi naman makuha ang instructions niya.

Maging si Gov. Vilma Santos ay umaming nasisigawan ni Direk Chito, lalo na sa ginagawa nilang The Healing, ang suspense-horror film na ang aktres ang humiling na gawin nila para mapaiba sa mga nakakasawaan na niyang pagda-drama niya.

BOY ABUNDA

CINEMALAYA PHILIPPINE INDEPENDENT FILM FESTIVAL

DIREK CHITO

DIREK CHITO RO

DOLPHY

INTOY SYOKOY

KALYE MARINO

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with