P20 M na libel ni Annabelle kay Ynna ibinasura ng korte!
PIK: Successful ang ginanap na grand draw ng Energen Milyong Sustansiya na ginanap sa SM Cebu, NCCC Mall Davao, at Plaza Pershing sa Zamboanga kamakailan lang.
Present sina Pauleen Luna at Valerie Concepcion para makisaya sa mga nandun at tumulong sa pag-draw ng grand winners na umabot ng P75,000 ang bawat winner.
Isa lamang ito sa mga masayang promo ng Energen bilang pasasalamat sa mga sumusuporta sa naturang nutritious milk at cereal drink.
PAK: Sumali na ang grupong ALAM o Alab ng Mamahayag sa gulong nangyari sa gitna nina Annabelle Rama at Chito Alcid.
Ang sabi ni Chito, kakasuhan niya si Tita Annabelle sa tulong ng mga kaibigan. Pero ang sabi ni Jerry Yap ng ALAM, kung hindi itutuloy ni Chito ang pagdemanda sa talent manager, sila ang magsasampa ng kaso.
Nagdeklara pa sila ng persona non grata na ang ibig sabihin, ibo-boycott nila si Tita Annabelle sa kanilang mga panulat, para mabigyan ito ng leksiyon.
Pati ang ilang grupo gaya ng Philippine Movie Press Club (PMPC) at ENPRESS ay hinihikayat ng ALAM i-boycott si Bisaya pero ewan ko lang kung makikisali ang dalawang grupong ito. Ewan ko lang!
BOOM: Nakatanggap naman kami ng balitang na-dismiss ang kasong libel na isinampa ni Annabelle Rama laban kay Ynna Asistio.
Damay sa kaso ang entertainment editor ng isang pahayagan.
Tineks namin si Tita Annabelle kung totoo ba ito at kung ano ang reaksiyon niya, pero hindi pa kami nasagot as of presstime.
Nagkaroon ito ng interview kay Korina Sanchez kahapon pero bandang huli lang ang naabutan ko sa naturang interview.
Sinabi lang nito na susundin na niya ang payo ni Kris Aquino na mamili ng mga papatulan niyang away.
Kaya kahapon ay uminom na ito ng pampakalma para hindi agad siya magalit at madala sa mga nakakarating sa kanya na mga balita.
Magre-relax na lang siya at hindi na siya basta-basta magagalit.
Pagkatapos ng interbyung ’yun ay dinagsa si Bisaya ng tweets na sumusuporta at nakakaintindi sa kanya.
- Latest