Si John Lloyd ang uunahin, movie nina Sarah at Gerald matatagalan pa
Sayang at matagal-tagal pa ang ipaghihintay ng fans nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson sa gagawin nilang pelikula. Ayon kay Mr. Vic del Rosario, uunahin ni Sarah ang pelikula with John Lloyd Cruz.
Eh kailangan pang hintaying maipalabas ang movie nina Bea Alonzo at JLC kaya matagal-tagal pa ito.
Kahapon ay aligaga ang fans nina Sarah at Gerald – Sasa at GeGe bilang no. 1 trending ang The Sasa Gege Love.
Kaya siguradong dismayado ang fans nila. Sana sila na lang muna ang gumawa ng pelikula.
Annabelle aminadong galing squatter, walang class at pinag-aralan pag may kaaway
Over acting ang reaction ng marami sa panghahabol ni Annabelle Rama sa isang reporter sa wake ni Tito Dolphy (na nailibing na last Sunday). Sobra naman. Parang pumatay na siya ng tao samantalang ni hindi naman niya nadampian ng dalang bread knife at baston ang nasabing reporter na in fairness ay kabi-kabila ang interviews, mapa-TV man, o radio habang sumisigaw ng katarungan.
Meron pa siyang interview na umiiyak at parang nagda-drama kahapon sa DZMM. Kalowka.
Meron pang sinasabing pambansang kahihiyan si Annabelle Rama.
Hahaha. Grabe naman. Ano ba yan?
Meron namang grupo raw na magpapa-news blackout para sa nanay nila Ruffa, Richard, and Raymond. Kesyo sobra na raw ang ginagawa ni Rama.
Meron pang pulitikong nakisawsaw sa isyu na kunu-kuno ay panahon na para busalan ang talent manager at matunog na tatakbo sa kongreso sa Cebu na gagawa ng anti-Annabelle Rama Bill. Ang kaso imbento lang pala at malaking peke ang nasabing balita.
Ayon kay House Secretary-General Marilyn Baura-Yap, wala raw pangalang ganun (pangalan ng representative na supposedly ay nagpanukala ng anti Annabelle Rama bill na hindi ko na babanggitin) sa kanilang listahan.
Kahapon ay nasa Rated Korina (sa radio) ang talent manager para eere ang kanyang side. Inamin niya naman na totoong wala siyang pinag-aralan, walang class, galing sa squatter. Pero tuwing may kaaway lang naman daw siya. Hindi naman daw niya ‘yun ginagawa pag walang nang-aaway sa kanya. “Ilang beses ba akong nagpunta sa burol pero walang gulo. Nung nandun lang sila, saka gumulo,” sabi niya kahapon sa programa ni Korina.
Pakiramdam niya nagtagumpay ang mga kaaway niya sa ginawa niyang pagpatol sa reporter na tinatawag niyang fake bilang sa mga hindi naman daw kilalang dyaryo ito nagsusulat.
Saka hindi raw kasi siya marunong ma-high blood. “Kasi hindi puwedeng pigilin kasi mamamatay ako. Hindi ako makakahinga. Kailangang ilabas ko. Isigaw ko para ma-ano lahat,” sabi niya kay Ms. Korina kahapon ng umaga.
Pinanindigan niya ring hindi siya nambastos. “Sa likod ’yon at malayo. Hindi kasi ako plastic! Ilang araw akong nagpupunta doon at hindi ako nanggugulo. Tahimik lang akong nakikipagkuwentuhan sa mga andun na mga superstar,” sabi niya.
Hindi raw siya sira ulong gagawin ‘yun na walang dahilan.
“May dumating sa buhay ko na mas squatter pa sa akin. Kaya tuloy ako napaeskandalo.”
Sana lang ay umuwi na lang daw siya ng maaga para hindi na siya napaaway bilang may nag-warning na sa kanya na darating nga ang kanyang mga ‘kalaban.’
Nag-aalala raw sa kanya si Ms. Susan Roces ngayon dahil may diabetes at high blood siya.
Nagpasalamat din siya kay Kris Aquino na suportado at binigyan siya ng advice.
At bilang mahaba ang oras niya sa radio show ni Korina, nasabi rin niyang kinausap niya si Tito Dolphy para manghingi ng tawad. “Kinausap ko rin si Eric at nag-sorry talaga ako. Nakita rin niya kay Pareng Dolphy na nakikipag-usap ako. Sigurado akong natatawa na lang siya,” kuwento pa ng talent manager na mukhang walang uurungang laban.
Habang sinusulat ito ay balitang kinasuhan na si Rama ng nasabing reporter.
Bacoor Youth Summit tagumpay
Matagumpay ang ginanap na 2012 Bacoor Youth Summit kahapon kung saan ipinalabas ang mga pelikulang tungkol sa teen pregnancy, dangers of drug addiction, at iba pa.
Ang nasabing summit ay inorganisa ng Unang Ginang ng mga Barangay Bacoor (UGnay) under the leadership of chair Chaye Cabal-Revilla, wife ni Bacoor Mayor Strike Revilla. May inimbita sila para magsalita tungkol sa kabataan, kababaihan at family.
Ilan sa speakers sina Butch Jimenez (leadership), Anthony Pangilinan (values formation), Rio de la Cruz (sports), Fatima Soriano (inspirational), and Dr. Michael Thomas Montesa (safe sex).
Dinagsa ito ng student leaders and delegates from private and public schools.
- Latest