^

PSN Showbiz

Mga kanta ng APO bibida sa 'movieoke'

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Bibigyan ng ibang kahulugan ng musical comedy na I Do Bidoo Bidoo: Heto NAPO Sila ang pelikulang Pinoy, isang masasabing may class na ay high quality pa ang maihahandog na pelikulang co-production ng Unitel Productions at Studio 5.

Ang kauna-unahang “movieoke” sa Pilipinas, isang selebrasyon ng mga kanta ng APO Hiking Society ang nasa I Do Bidoo Bidoo na bida ang mga kanta noong dekada 70 at 80. Ang ilan sa signature songs sa napakalaking catalogue ng trio at nakapaloob sa pelikula ay ang Mahirap Magmahal sa Syota ng Iba, Batang Bata Ka Pa, Awit ng Barkada, Syotang Pa-Class, at Pag-ibig pero iibahin ang bersiyon na naa­a­yon sa mga eksena sa pelikula ng mga bidang karakter.

Ang I Do Bidoo Bidoo ay kuwento ng dalawang nag-iibigan na ikakasal na sana pero nagkagulo dahil sa away o hindi pagkakasunduan ng kanilang pamilya. Ang cast ay binubuo ng magagaling sa industriya ng musika na sina Gary Valenciano, na nagbalik sa pelikula matapos ang ilang taon at magpapatawa pa, Ogie Alcasid, at Zsa Zsa Padilla. Kabilang din ang comic genius na si Eugene Domingo na mapapanood na kumakanta sa halos kabuuan ng pelikula. At tampok sina Sam Concepcion at Tippy Dos Santos bilang ang mamomroblemang mag-sweetheart.

Sasamahan din sila ng theater actress na si Sweet Plantado, belter na si Frenchie Dy, Neil Coleta, Jaime Fabregas, Kiray Celis, at Gerald Pesigan.

Isinulat at idinirek ni Chris Martinez ang I Do Bidoo Bidoo: Heto NAPO Sila at mapapanood na sa Aug. 29.

ANG I DO BIDOO BIDOO

BATANG BATA KA PA

BIDOO

CHRIS MARTINEZ

EUGENE DOMINGO

FRENCHIE DY

GARY VALENCIANO

GERALD PESIGAN

HETO

I DO BIDOO BIDOO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with