^

PSN Showbiz

Ex-real love ni Dolphy hindi nagparamdam

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nailibing na si Comedy King Dolphy pero nanatiling tahimik si Pilar Pilapil. Isa ang beteranang aktres sa mga nakarelasyon ni Pidol. At siya ang nagkuwento sa librong Dolphy: Hindi Ko Ito Narating na Mag-isa na siya ang kauna-unahang real love.

Sa kuwento niya, sobrang na-in love sa kanya ang Hari ng Komedya at inaya pa siyang magtanan.

Isa nang misyonaryo si Pilar sa kasalukuyan na minsan nang nakaligtas nang pagsasaksakin. Pero parang walang nangyari dahil wala namang naba­balitang nakulong at hinuli sa nangyari sa kanya.

Serye nina Dennis at Marian, hindi na tuloy

Hindi na matutuloy ang pagsasamahan sanang serye nina Dennis Trillo and Marian Rivera sa GMA 7. Mismong ang aktor ang nagkuwento nang ma­katsika namin sa presscon ng Ang Katiwala (The Caretaker) na finalist sa New Breed Full-Length Feature ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2012.

Pero may ibang leading lady na ibibigay sa kanya na sikat ding Kapuso actress. Pero ayaw pa niyang pangalanan.

Pang-primetime ang nasabing serye.

Huling serye pa ni Dennis ang Biritera.

Kasalukuyang nasa Dubai si Dennis para sa isang show.

At kung naging maingay naman noon ang relasyon nila ni Jennylyn Mer­cado, tahimik at walang gaanong balita ang sa kanila ni Bianca King.

Anyway, pangalawang indie film ni Dennis ang Ang Katiwala. Kuwento ito ng isang karpintero na nawalan ng trabaho kaya tinanggap ang pagiging caretaker sa isang abandoned pro­perty sa Quezon City.

Pero wala siyang kaalam-alam na ang may-ari pala nito ay isang important figure sa history ng bansa.

Nalalaman niya lang ’yun sa tuwing may magtatanong sa kanyang TV crews tungkol sa dating may-ari.

Doon niya naisipang pag-interesang pag-aralan ang tungkol sa buhay ng may-ari na magkakaroon ng kakaibang epekto sa kanyang buhay.

Kilalang magaling sa aktingan si Dennis, mapa-bida o kontrabida kaya asahan nating bongga ang indie film na Ang Katiwala.

Dinirek ito ng kilalang writer na si Aloy Adlawan na siya ring writer and producer. 

Beterano na si Aloy sa Cinemalaya. Noong 2010 ay prinoduced niya ang Mayohan na nanalo ng major awards sa independent film festival.

Kasama rin siya sa mga nagsulat ng Ouija na ipinalabas sa mainstream theaters sa Amerika kamakailan.

Kasama naman sa movie sina Ronnie Lazaro, Althea Vega, Neri Naig, Angelina Kanapi, Miggs Cuaderno, Ernie Zarate, Louella da Cordova, Shyr Valdez, at Richard Manabat.

Raffy Lopez ng ABS-CBN Global, Wagi Ng Ceo Excel Award

Pinarangalan ang ABS-CBN Global chief ope­rating officer na si Raffy Lopez ng Communication Excellence in Organizations (CEO EXCEL) award mula sa International Association of Business Communicators (IABC) para sa kanyang mahusay na pamumuno at mabisang paggamit ng komunikasyon sa pagbabago ng tatak ng TFC (The Filipino Channel) bilang isang global channel at pagbibigay pugay sa mga Pinoy sa iba’t ibang bansa sa pamamagitan ng kampanyang Tayo ang TFC.

 “Marami kaming ginawang hakbang para mas lalong maunawaan ang pangangailangan ng aming customers sa nakaraang mga taon. Ang pag-unawa sa patuloy na nagbabagong estado ng mga Overseas Filipinos ang siyang naging daan para maiayon namin ang tatak at kahulugan ng TFC,” sabi ni Lopez habang tinatanggap ang kanyang parangal.

Para kay Lopez, na kinilala sa kategoryang Media, Advertising, PR, Entertainment, Special Events and Sports, ang parangal ay patunay sa lahat ng pagsisikap at tiyagang ibinuhos ng ABS-CBN Global na mayroong sangay sa Pilipinas, U.S., Canada, Europe, Middle East, Australia, New Zealand, Asia-Pacific, Japan, at Korea.

“Ang aking koponan ay binubuo rin ng overseas Filipinos kaya naman ang aming buhay ay siyang aming mensahe. Pinagdaraanan din namin ang pinagdaraanan ng mga taong pinaglilingkuran namin. Kaya naman ang aming pakikipag-usap sa kanila ay makatotohanan,” dagdag niya.

Abot ng The Filipino Channel (TFC) ang hanggang 2.5 million Filipinos sa buong mundo. Pangunahing mensahe ng bagong tatak nito ay ang magiging isang komunidad ng mga overseas Filipinos na may malaking ambag sa imahen at estado ng Pinoy at tumutulong sa ekonomiya ng bansa.

Si Lopez ay naging COO ng ABS-CBN Global noong 2004. Nagsimula siya bilang Information Technology Head ng ABS-CBN International sa North Ame­rica noong 1994. Bago nito, ginugol niya ang kanyang 12 taon sa pagtatrabaho bilang systems analyst sa Bell Atlantic.

Siya ay nagtapos ng Bachelor of Arts degree in Music sa San Francisco State University. Nakakuha rin siya ng degree sa computer programming mula sa Control Data Institute at nakumpleto rin ang Stanford Business Executive Program for Executives noong 2002.

Ang IABC ay isang grupo kung saan kalahok ang mahigit 14,000 business communication professionals mula pa sa 60 na bansa. Ang Pilipinas ang pinakaunang IABC chapter sa labas ng North America.

ALOY ADLAWAN

ALTHEA VEGA

ANG KATIWALA

ANG PILIPINAS

ANGELINA KANAPI

BACHELOR OF ARTS

BELL ATLANTIC

FILIPINO CHANNEL

PERO

RAFFY LOPEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with