^

PSN Showbiz

Big Four ng PBB, pina-tsek sa psychologist!

- Veronica R. Samio - The Philippine Star

Sa rami ng pinagdaanan nila sa tatlong buwan na “nakakulong”sila sa

Pinoy Big Brother (PBB) House

o ’yung tinatawag na

Bahay ni Kuya, walang nakasisiguro na hindi naapektuhan kahit paano ang mga kabataan na kinailangang manatili run for their quest to bag the title that made

Kim Chiu, Ejay Falcon,

and the rest na isinailalim ang pinakahuling four big winners na sina

Myrtle Sarrosa,

18, Iloilo City;

Karen Reyes

, 16, Oriental Mindoro;

Roy Requejo,

18, Naga City; at ang kambal na sina

Jai

at

Joj Agpangan,

17, Bacolod City. They were all declared mentally balanced and healthy after their psychological test.

Hindi sila naapektuhan kaunti man ng kanilang 13-week separation from their families, friends, at lahat ng mga bagay na dati na nilang nai-enjoy normally bilang kabataan.

Hindi mo naman maiaalis na mag-isip ang lahat na baka naapektuhan sila bilang housemates dahil sa loob ng kulang-kulang sa tatlong buwan lahat ng ginawa nila ay napanood nationwide. Hindi rin sila masisi kung sa kanilang pagka-miss ng mga tao at bagay na dati nilang ginagawa ay they turned to each other for comfort. I would have been afraid, too, as a parent na makita ang aking teenager na biglang nagkaroon ng karelasyon sa loob dahil sila-sila lamang ang nagkikita-kita at nagkakasama sa matagal-tagal ding panahon.

Pinaka-nakakalungkot ay ’yung hindi nila naipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Of course, sasabihin n’yong mas malaki at marami ang natutunan nila sa loob ng PBB House. Ang karanasan ay higit pa sa maibibigay ng isang term na hindi sila nakapasok ng eskuwela. Maaring tama kayo but, still, hindi ko ipapakipagsapalaran ang buhay ng mga anak ko para sumikat at magkaroon ng pagkakataon na maging artista, kahit na may milyon na magiging kapalit ang kanilang pagpasali sa PBB Teen Edition. Mabuti na lamang at sa halip na maapektuhan ang kanilang pag-iisip, lumabas ng Bahay ni Kuya ang lima na mas masaya, richer in experience and money at may mga bagong kaibigan.

Manny na Manny na Donaire nagko-concert din pagkatapos ng laban

Obvious na mga yapak ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang sinusundan at inaapakan ng isa pa ring Filipino boxer na si Nonito Donaire, Jr. na sa pagdaan ng panahon ay nagkakamal din ang kampeonato sa larangan ng boxing. Pinakahuli niya ang IBF Super Bantamweight Championship na ki­nuha niya sa natalo niyang si Jeffrey Mathebula ng South Africa. Siya pa rin ang kasalukuyang WBO Su­per Bantamweight Champion. Pagkatapos ng kan­­yang laban kay Mathebula, sumabak sa isang concert si Donaire, kasama ang Black Eyed Peas member na si apl. de.ap sa isang kauna-unahang all-Filipino concert na pinamagatang Take You to the Philippines na ginanap sa Super Bowl sa California, USA.

Kasama niyang nag-perform sina Nicole Scherzinger, Ogie Alcasid, Martin Nievera, Sandwich, at Taboo. Nagsilbing hosts sina Lou Diamond Phillips at Vanessa Hudgens.

Xian hindi ma-take manghingi ng regalo

Kahit sinasabi ni Xian Lim na good friends sila ni Kim Chiu, hindi niya magawang manghingi dito ng birthday gift. He celebrated his 23rd birthday nung July12 nang wala si Kim at nagti-taping ng Ina, Kapatid, Anak sa Cebu. Magka-partner sila sa serye ng ABS-CBN pero dahil birthday nga niya kung kaya he was excused from working. Hahayaan na lamang niya na bigyan siya ni Kim pagbabalik nito from working, kung may ibibigay nga ito sa kanya, pero hindi niya ito ipi-pressure.

BACOLOD CITY

BANTAMWEIGHT CHAMPION

BLACK EYED PEAS

DONAIRE

EJAY FALCON

ILOILO CITY

JEFFREY MATHEBULA

KIM CHIU

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with