Iya, balik-eskuwela!
Manila, Philippines - Tuloy ang pagbabalik eskuwela at pagkuha ng kurso sa pagpapatawa ng versatile performer at host-actress na si Iya Villania ngayong Hulyo sa pormal na pagbubukas ng Gag U simula bukas sa Studio 23.
Lahat ng Kabarkada ay maaaring maki-sit in kay Iya sa Gag U na malamang ay gugulong ka sa kakatawa sa loob ng 30 minuto na puno ng nakakakiliting gags, pranks, at kung anu-ano pang kabaliwan.
Pag-aaralan ni Iya kung ano ang kahihinatnan kapag ginawa ng mga kalalakihan ang mga nakasanayang ginagawa ng mga kababaihan at vice versa sa Versusmaryosep pati na rin kung ano ano ang mga nakakatawa at mali-maling karatulang makikita sa paligid sa KaratuLaugh.
Hihimukin ka rin ng Gag U na maging updated ka sa pinakasariwang balita at kaganapan sa loob at labas ng bansa sa nakakalokang pagbabalitang hatid ng Newskopo!
Samantala, matutunghayan din sa programa ang cute na mga alagang hayop, mga kuwelang sanggol, hidden cameras, home videos, at iba pang katatawanan mula pa sa ibang bansa.
Para mas masaya ang klase ay sasamahan si Iya ng isang gagster o celebrity guest buwan-buwan para tulungan siya sa kanyang school project na mangtrip sa kalsada, mga paaralan, palengke, at kung saan-saan pa. Ngayong Hulyo, ang drummer ng bandang Pupil na si Wendell Garcia ang magiging kaklase at kasabwat niya.
Maging estudyante saan mang campus sa bansa ay maari ring mag-enroll sa Gag U online sa pamamagitan ng pag-like ng kanilang official Facebook fanpage sa www.facebook.com/gagu.studio23 at pag-follow sa kanilang official Twitter account na @gagustudio23.
Huwag mag-aabsent sa unang araw sa Gag U bukas, 6:00 p.m, pagkatapos ng UAAP sa Studio 23.
Dolphy tuluyan nang uuwi!
Hanggang ngayon ay pinag-uusapan ang ginawang tribute ng ABS-CBN, sa pangunguna ng chairman at chief executive officer nitong si Eugenio “Gabby” Lopez III, sa yumaong Comedy King at Kapamilya sa loob ng apat na dekada, na si Dolphy sa pamamagitan ng necrological services na may temang Salamat, Tito Dolphy: Pagsaludo sa Hari ng Komedya, na ginanap noong Miyerkules sa teatrong ipinangalan sa kanya.
“He is an inspiration to all of us in the broadcast industry with his humility, his talent, and above all, his ability to constantly reinvent himself to live and fight another day. Dolphy will always live in the heart and soul of ABS-CBN. To all of us here at ABS-CBN, you wil always be Kapamilya,” sabi ni Lopez. Kasama si channel head Cory Vidanes at iba pang opisyal, sinalubong ni Lopez ang labi at pamilya ni Dolphy.
Para sa pangulo ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio na naging leading lady ni Dolphy sa pelikula, isang haring mapagkumbaba ang kanyang nakilala sa mahabang panahon, magmula pa noong nagsimula siya sa showbiz bilang production assistant ng John En Marsha noong dekada ’70.
“Tulad ng lahat, tinitingala ko si Dolphy bilang isang Hari ng Komedya. Pero ang haring nakita ko ay isang haring nakatuntong sa lupa. Ang paghanga ko sa isang ‘idol,’ ay naging pagkamangha ko sa isang totoong tao,” sabi ni Charo.
Apat na dekada ang naging samahan ni Dolphy at ng ABS-CBN. Ito rin ang nagbunsod sa Kapamilya Network na bigyan ng kakaibang parangal ang Hari ng Komedya sa 80th birthday nito noong Hulyo 2008.
Si Zsa Zsa Padilla naman ay nagpasalamat sa tribute sa kanyang long time partner.
“I know that this service will make Dolphy so happy dahil mula pa sa panahon ni Kapitan Geny Lopez, si Dolphy sa buhay, kamatayan at sa langit ay isang tunay na Kapamilya,” sabi ni Zsa Zsa na pagkatapos ng kanyang speech ay madamdaming inawit ang theme song nila ni Dolphy na Through the Years na ikinaaiyak ng maraming nasa loob ng Dolphy theater.
Ibinahagi naman ni Eric Quizon kung gaano kalaki ang pagnanais ng kanyang ama na ‘umuwi’ sa kanyang ‘tahanan.’
“My dad kept on saying, ‘uwi na ako.’ That was the phrase that he kept on saying to all of us. his wish was granted. Today, we brought him home to Marina, and then we brought him here, to his family, his Kapamilya; and then now, he’s home with His Creator,” ani Eric.
At ang pinakamaganda sa ‘pagdalaw’ ni tito Dolphy sa ABS-CBN, pinayagan pala nilang kumuha ang ibang networks ng balita at ibinahagi rin ang video footage seremonya sa Dolphy Theatre.
- Latest